Tulfo Fans

Tulfo Fans

Share

05/10/2024

"Ang buhay ay hindi tungkol sa paghahanap sa iyong sarili, kundi sa paglikha sa iyong sarili." - Ang buhay ay isang walang tigil na paglalakbay ng pag-aaral at pagpapabuti sa sarili.

Photos from Tulfo Fans's post 11/02/2022

Sa mga Taga-Pangasinan, mag-ingat sa pagsakay sa mga rides sa mga perya!
Bumagsak sa semento ang biktimang ito matapos mahulog sa sinakyang amusement ride sa loob ng isang Carnival sa Urdaneta City, Pangasinan.
Agad dinala sa ospital ang biktima matapos magtamo ng mga sugat. Ayon sa report, dumulas ang inuupuang rides ng biktima kaya siya nahulog.
β€œPanginoon tulongan nmn ang aking anak..yakapin mo xa panginoon alisin mo lahat ng nararamdaman niang sakit sana maging okay ang opera niya,,nd ko kya pag may nangyaring nd maganda ang anak koπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­.” Pahayag ng ina ng biktima na si Marivic Fajardo.

Photos from Tulfo Fans's post 10/25/2022

17-ANYOS NA ESTUDYANTE NA PAPASOK SA PAARALAN, PATAY MATAPOS MASAGASAAN NG KOTSE!
BIKTIMA, NAGPOSITIBO PA SA COVID-19 KAYA KINAINGAILANG I-CREMATE
Hindi na matutupad ang pangarap na maging enhinyero na 17-anyos na grade 12 student na si Ronald Reagan Barba Jr. matapos siyang masawi sa aksidente.
Ayon sa ina ng biktima, kalalabas lang ni Ronald Reagan para pumasok sa paaralan. Aksidente umanong nahulog ng biktima ang dalang damit sa kalsada.
Binalikan ng biktima ang nahulog na damit nang bigla siyang masagasaan ng kotse na mabilis ang patakbo. Tumilapon ang biktima at tumama pa ulo sa semento. Doble ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima lalot hindi na nila nagawang paglamayan pa ang labi ni Ronald Reagan matapos itong i-cremate. Nagpositibo umano sa COVID-19 ang biktima sabi ng ospital.
Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa driver ng kotse. Nangyari ito sa Mariveles, Bataan.

Want your business to be the top-listed Media Company in Phoenix?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Phoenix, AZ
32654