Ark Channel 21

Ark Channel 21

āđāļŠāļĢāđŒ

01/01/2026

Isang Buhay na Hinubog ng Hirap, Pananampalataya, at Pag-asa

Noong ako’y namulat sa mundo, agad kong nakita ang hirap ng hanapbuhay ng aking mga magulang. Sa murang edad na siyam na taon, palagi na akong isinasama ng aking ama sa bundok upang magputol at kumuha ng mga kahoy na panggatong na aming ibinibenta sa mga panaderya. Nilalakad lamang namin ang mahabang daan habang binabaybay ang ilog patungo sa bundok. Sa pag-uwi, pinapalutang namin ang malalaking kahoy sa ilog—minsan ginagawang gakit na aking sinasakyan habang inaanod ng agos.

May mga pagkakataong inaabutan kami ng malalakas na ulan at biglaang pagbaha. Hindi ko maiwasang umiyak, lalo na kapag pumapasok ako sa paaralan na basa, pagod, at minsan ay napapahiya sa harap ng aking mga kaklase. Kapag ang aking ama ay walang trabaho, isinasama naman ako ng aking ina sa palayan upang mamulot ng mga naiwang palay. Tunay nga ang kasabihang “isang kahig, isang tuka.”

Sa kabila ng lahat ng ito, sa awa ng Panginoon, natapos ko ang elementarya sa edad na labindalawa—sa tulong ng aking mga g**o na naniwala at naawa sa aking kalagayan.

Pangarap kong maipagpatuloy ang pag-aaral sa high school. Sinubukan kong maging yaya o tagapag-alaga ng bata sa bahay ng aking tiyuhin, ngunit hindi ko kinaya ang bigat ng sitwasyon. Sumubok din akong mag-aral sa gabi habang sa araw ay nagtatanim ng palay upang may maipangtustos sa aking pag-aaral. Mahigit dalawang taon akong nagtiyaga at halos matapos ko na sana ang second year high school, ngunit ako’y nalulong sa barkada. Dahil dito, ako’y huminto sa pag-aaral.

Lumipat ako sa aking nakatatandang kapatid sa Davao City at muling naging tagapag-alaga ng kanyang mga anak. Habang naninirahan doon, nasaksihan ko rin ang kanyang trabaho—ang paggawa ng mga sopa, bed sets, at iba pang muwebles. Dito ko natutunan ang upholstery. Sa edad na labimpito, nakilala ko ang isang bihasang master carpenter ng mga furniture. Tinuruan niya ako at doon ko natutunang tumayo sa sarili kong mga paa.

Naglalakbay na rin kami sa iba’t ibang probinsya para sa trabaho, at unti-unti akong nakakatulong sa aking ina at mga kapatid, lalo na nang tuluyan kaming iwan ng aming ama. Limang taon kong pinaghirapan ang pagiging karpintero hanggang sa makilala ko ang isang may-ari ng furniture shop sa Davao City. Tinanggap niya ako sa kanyang shop. Masaya ako dahil lingguhan ang sahod at tuwing Sabado ay pahinga—nakakapanood pa ako ng sine sa cinema theater.

Ngunit dumating ang panahon na ako’y nagkasakit nang malubha—halos ikamatay ko. Sa kabutihang-loob ng may-ari ng shop, ako’y kanilang ginamot at pinayuhan tungkol sa aking hindi mabuting lifestyle. Doon nagsimula ang aking pagbabago. Ipinakilala nila ako sa Salita ng Panginoon, at doon ko tunay na nakilala ang Diyos.

Ako’y naging aktibo sa mga gawain ng simbahan hanggang sa ako’y maging isang misyonero bilang literature evangelist sa Davao Mission ng Seventh-day Adventist Church. Pinanghawakan ko ang pangako ng Diyos sa Mateo 6:33:

“Ngunit hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.”

Ito ang aking inangkin na pangako.

Sa edad na tatlumpu’t tatlo, natupad ang aking pangarap na makapagtapos ng high school—sa tulong ng mga alagad ng Diyos. Bilang isang ama, ang aking panganay ay nag-aaral na rin sa elementarya. Bilang isang misyonero, wala kaming regular na sahod; araw-araw kaming nabubuhay sa biyaya ng Panginoon, umaasa sa maibebentang mga aklat. Palagi kaming nagdarasal bilang pamilya, kasama ang mga kaibigan at kapwa misyonero, na sana’y makapagtapos ako ng kolehiyo.

May isang kaibigan na nagsabi sa akin, “Subukan mong mag-email sa Adopt-A-Minister International, baka may mag-sponsor sa pag-aaral mo ng theology.” Noong panahong iyon, hindi ko pa alam kung paano gumamit ng internet o gumawa ng email address. Hirap na hirap din akong magsulat sa Ingles dahil ang kausap ko ay nasa USA. Sa awa ng Diyos, may mga taong tumulong sa akin sa internet shop.

Nakatanggap ako ng reply na nagsasabing wala silang budget para sa mga estudyante at ang prayoridad nila ay mga graduate na ng theology na wala pang trabaho. Ngunit may linya roon na tumimo sa puso ko:

“But please pray. If God is with you, then He will provide for you.”

30/03/2025

Psalms 91/ He is My Refuge Music bY Dan AI Script writer AI
Video back ground footage different Spots In Thailand
3content

26/03/2025

God so Love the World Composer AI Sung by AI Music for God's People who devout their time in the service. God bless

āļ•āđ‰āļ­āļ‡āļāļēāļĢāđƒāļŦāđ‰āļ˜āļļāļĢāļāļīāļˆāļ‚āļ­āļ‡āļ„āļļāļ“ āđ‚āļĢāļ‡āđ€āļĢāļĩāļĒāļ™ āļ‚āļķāđ‰āļ™āđ€āļ›āđ‡āļ™āļ­āļąāļ™āļ”āļąāļšāļŦāļ™āļķāđˆāļ‡ āđ‚āļĢāļ‡āđ€āļĢāļĩāļĒāļ™ āđƒāļ™ Ratchaburi?
āļ„āļĨāļīāļāļ—āļĩāđˆāļ™āļĩāđˆāđ€āļžāļ·āđˆāļ­āđ€āļ›āđ‡āļ™āļŠāļĄāļēāļŠāļīāļ?

āļ›āļĢāļ°āđ€āļ āļ—

āđ€āļšāļ­āļĢāđŒāđ‚āļ—āļĢāļĻāļąāļžāļ—āđŒ

āđ€āļ§āđ‡āļšāđ„āļ‹āļ•āđŒ

āļ—āļĩāđˆāļ­āļĒāļđāđˆ


Ratchaburi
700000