Muslima Maryam

Muslima Maryam

Share

18/05/2025

Mentality:
Huwag kang mamuhay ng malungkot.
Maging masaya ka kahit gaano pa kalakas ang bagyu sa iyong buhay.

17/05/2025

لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَمَا تَحۡتَ ٱلثَّرَىٰ
Pagmamay-ari Niya ang lahat ng nasa mga kalangitan at ang lahat ng nasa kalupaan, at ang lahat ng mga nasa pagitan ng mga ito, at ang lahat ng mga nasa ilalim ng kalupaan. Nilikha Niya ang lahat-lahat ng mga ito, na nasa ilalim ng Kanyang Pagtatangan at Pangangasiwa.
Quran 20:6

Get Quran App: https://gtaf.org/apps/quran

17/05/2025

تَنزِيلٗا مِّمَّنۡ خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ وَٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلۡعُلَى
Ang Qurân na ito ay ibinaba mula sa Allâh na Lumikha ng kalupaan at ng mga kalangitan na matataas. Quran 20:4

14/05/2025

Isa sa mga pinakadakilang biyaya na ibinigay ng Allah (Dios) sa tao ay ang isip o talino. Ito ang naghihiwalay sa atin mula sa mga hayop.

kung ang tao ay mamumuhay at humahatol ayon sa kanyang damdamin at masamang pagnanasa, ang mga hayop ay mas mabuti pa kay sakanya.

Ang dahilan kaya binigyan tayu ng isip at talino ng Allah upang gamitin ito sa tamang landas at tamang pamamaraan at hindi para sa kasamaan.

14/05/2025

Ang kalongkutan ay isa sa mga patibong ng Satanas upang ang isang tao ay mawalan ng pag-asa at mawalan ng paniniwala sa Allah (Dios).

Kaya ang tunay na naniniwala sa Allah ay hindi dapat malungkotin.

08/04/2025

Sinabi ng (Dios)Allah sa Quran:

Katotohanan, ang satanas ay isang hayag na kaaway ng tao!”
Quran 12:5

O mga anak ni Adan, huwag ninyong hayaang kayo ay tuksuhin [o linlangin] ng satanas, katulad ng pagpapalabas niya sa inyong mga magulang mula sa Paraiso, sila ay kapwa nahubaran niya ng kanilang mga saplot upang ipakita sa kanila ang kanilang sariling [maselang] bahagi [ng katawan]. Katotohanan, siya [ang satanas] ay nakakikita sa inyo, siya at ang kanyang kalahi samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila. Katotohanan, ginawa Namin ang mga demonyo bilang awliya' [kapanalig o kaibigan] ng mga di-naniniwala.
Quran 7: 27

O sangkatauhan, katotohanan, ang pangako ng (Dios) Allah ay totoo. Kaya, huwag ninyong hayaang ang makamundong buhay ay luminlang sa inyo, at huwag kayong palilinlang sa manlilinlang [satanas] tungkol sa Allah.
Quran 34:5

Katotohanan, ang satanas ay isang kaaway para sa inyo, kaya siya ay inyong ituring bilang kaaway. Siya ay nag-aanyaya lamang sa kanyang mga kampon upang sila ay maging kabilang ng mga maninirahan sa naglalagablab [na Apoy ng Impiyerno].
Quran 34:6

Sinabi ni Iblees(Satanas),(kay Allah);

" Dahil sa pagligaw Mo sa akin, gagawin ko ang lahat ng makakayanan ko upang iligaw ko ang mga lahi ni Âdan mula sa Matuwid Mong Landas, at haharangan ko sa kanila ang Islâm na kanilang Fitrah (o likas na katangian).

Pagkatapos ay pupuntahan ko sila sa lahat ng dako, at haharangan ko sila sa katotohanan, at pagagandahin ko sa kanila ang kamalian, at tutuksuhin ko sila na mahumaling sa makamundong bagay, at papagdududahin ko sila hinggil sa Kabilang-Buhay, at hindi Mo makikita ang karamihan sa kanila na tatanaw ng utang na loob sa Iyong mga biyaya.
Quran 7:16-17

Ang satanas ay nangangako [o nagbabanta] sa inyo(mga tao) ng paghihikahos [kung kayo ay magkawanggawa] at siya ay nag-uutos [o nag-uudyok] sa inyo ng kahalayan;

samantalang ang Allah ay nangangako sa inyo ng kapatawaran mula sa Kanya
at ng biyaya.
Quran 2:268

At siya ay aking natagpuan at ang kanyang mga mamamayan na sumasamba sa araw sa halip na ang Allah, at ginawang kaaya-aya ng satanas para sa kanila ang kanilang mga gawain, at sila ay kanyang hinadlangan mula sa Landas [ng Allah], kaya sila ay hindi napatnubayan,

Hinikayat sila sa ganito ni Satanas; upang sila ay hindi makapagpatirapa sa (Dios) Allâh na Bukod-Tanging Siya lamang ang nakapagpapalabas ng anumang nakatago sa kalangitan at kalupaan na katulad ng ulan, mga pananim at iba pa, na Siya lamang ang Nakaaalam kung ano ang inyong inililihim at kung ano ang inyong inilalantad.
Quran 27:24-25

O kayong mga naniwala, huwag kayong sumunod sa mga yapak ng Satanas. At sinuman ang sumunod sa mga yapak ng Satanas, magkagayon, katotohanan, siya [ang Satanas] ay nag-uutos ng kahalayan at kasamaan. At kung hindi lamang sa pagpapala ng Allah at sa Kanyang habag sa inyo, walang isa man sa inyo ang magiging malinis [mula sa kasalanan] kailanman. Nguni’t, pinadadalisay ng Allah ang sinumang Kanyang nais, at ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.
Quran 24:21....

08/04/2025

At ang satanas ay magsasabi kung ang pangyayari ay napagpasiyahan na: “Katotohanan, ang Allah ay nangako sa inyo ng isang pangako ng katotohanan. At ako ay nangako rin, nguni’t ako ay nagtaksil sa inyo. Wala akong karapatan sa inyo maliban na ako ay nag-anyaya sa inyo at kayo ay tumugon [o sumunod] sa akin. Kaya, huwag ninyo akong sisihin bagkus inyong sisihin ang inyong mga sarili. Hindi ko kayo matutulungan, at hindi rin ninyo ako matutulungan. Katotohanan, aking itinatakwil ang inyong ginawang pagtatambal sa akin [sa Allah] noon. Katotohanan, para sa mga mapaggawa ng kamalian, ay isang mahapding parusa.”

Quran 14:22

07/04/2025

Nagsimula ang kasaysayan ni Satanas noon nilikha ng Allah si Adan .
At inutosan ng Allah ang mga Anghel at si Satanas na magpatirapa sa harapan ni Adan . Ang mga Anghel ay nagpatirapa kay Adan maliban lamang kay Satanas na umayaw at naging arogante at sumuway sa kautusan ng Allah.

Sinabi ng Allah sa Quran:

At (alalahanin) noong sinabi Namin sa mga anghel: ‘Magpatirapa kayo kay Adan.’ At sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (Satanas), siya ay tumanggi at nagmamalaki at isa sa mga hindi naniniwala (suway kay Allah).”

Quran [2:34]

“Kaya't ang mga anghel ay nagpatirapa, silang lahat ng magkakasama.

Maliban kay Iblis (Satanas) - tumanggi siyang mapabilang sa mga
nagpatirapa.

(Ang Allah) ay nagsabi: ‘O Iblis (Satanas)! Ano ang iyong dahilan kung bakit hindi ka kabilang sa mga nagpatirapa?’

Sinabi [ni Satanas ]: 'Hindi ako magpapatirapa sa isang tao(Si Adan) ,
na Iyong nilikha mula sa tuyo (tunog) na putik ng binagong putik.'

(Si Allah) ay nagsabi: 'Kung gayon, umalis ka mula rito, sapagka't katotohanan, ikaw ay Rajeem (isang itinakwil o isang isinumpa).

At katotohanan, ang sumpa ay mapapasainyo hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay).”

Quran [15:30-35]

Pagkatapos ay humingi si Iblis (Satanas) ng mahabang buhay hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at ipinagkaloob iyon sa kanya ng Allah.

Ang Allah ay nagsabi (pagpapaliwanag ng kahulugan):

"Si [Iblis|Satanas ] ay nagsabi: 'O aking Panginoon! Bigyan mo ako mahabang buhay hanggang sa Araw na sila (mga patay) ay muling mabubuhay.'

Ang Allah ay nagsabi: 'Kung gayon, katotohanan, ikaw ay kabilang sa mga pinahintulutan,

Hanggang sa Araw ng takdang panahon.’” Quran [15:36-38]

Nang matiyak ni Iblis(satanas) na siya ay isa sa mga napapahamak at naligaw ng landas , gayundin ang kanyang pagiging mayabang at pagiging hindi mapagpasalamat sa kanyang Panginoon, nagpasya siyang iligaw ang sinumang makakaya niya sa mga alipin ng Allah, upang sila ay makasama niya sa Impiyerno.

Ang Allah ay nagsabi (pagpapaliwanag ng kahulugan):

“Si [Iblis Satanas] ay nagsabi: ‘O aking Panginoon! Dahil ako ay iyong iniligaw, ako ay tunay na magpapalamuti sa landas ng kamalian para sa kanila (katauhan) sa lupa, at aking ililigaw silang lahat.

Maliban sa Iyong mga pinili, (pinatnubayan) mga alipin sa kanila.’”

QURAN [15:39, 40]

Kaya Siya ay sabik na iligaw at itiwali ang mga tao , upang madagdagan ang bilang ng kanyang mga tagasunod at mananamba sa mga napapahamak na makakasama sa kanyang kapalaran.

Alam ni Iblis (Satanas) na ang kanyang patutunguhan ay ang Apoy ng Imperno , at umaasa siyang dadalhin ang lahat ng about sa kaya niya na isama ang karamihan ng mga tao sa Impiyerno, dahil sa inggit, p**t, at kawalan ng paniniwala at katigasan ng ulo.

Kinamumuhian niya ang sangkatauhan, na mga anak ni Adan , at siya ay may malaking galit sa kanila dahil siya ay isinumpa at pinalayas mula sa awa ng Allah dahil sa kanyang pagtanggi na magpatirapa sa kanilang amang si Adan.

Binalaan ng Allah ang sangkatauhan:
Ang Allah ay nagsabi:

Katiyakan, si Shaytan (Satanas) ay isang kaaway sa inyo, kaya't ituring ninyo siya bilang isang kaaway.

Inaanyayahan lamang niya ang kanyang (mga tagasunod) upang sila ay maging mga naninirahan sa naglalagablab na Apoy."

Quran [35:6]

07/04/2025

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Doha?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Doha