Ang Ugat

Ang Ugat

Share

Photos from Ang Ugat's post 28/02/2026

| CHS Soirée 2026-Calatagan High School Promenade
PART 2

📸: Patricia Marquez

Photos from Ang Ugat's post 28/02/2026

| Muling pinatunayan ng mga mag-aaral ng CHS ang kakayahan sa pagdala ng kani-kaniyang kasuotan sa ginanap na Soiree noong Pebrero 20.

Naging sentro naman ng nabanggit na gawain ang taunang Cotillion Dance ng mga Junior at Senior. Mas lalo ring pinatingkad ang gawain matapos ang koronasyon ng bagong Hari ng mga Puso na si Marlon T. San Esteban Jr. at Reyna ng mga Puso na si Erlen Grace Socito. Kinilala naman sina Carl Joseph M. Ogalesco at Christela Rain U. Lacadin bilang Mr. & Ms. Junior. Samantala, kinilala naman sina Migz Deacon Aguilar at Glaiza M. Tabo bilang Mr. & Ms. Senior.

Dagdag pa rito, kinilala naman ang mga Muses at Escorts na sina Dylan Fritz Lopez, Precious Lhean V. Faustino, Danilo T. Valenzuela, Charmaine Bronzal, Carl Andrei S. Samar, Aegean Rizcy Lhouize Abrillo, Jose Enrique M. Gianan, at Joy Nicole T. Panti.

Samantala, kinilala naman si Charity Faith Magtagnob bilang Ms. Faith, Allyza Mae A. Santos bilang Ms. Empathy, Sherien Jeanette M. Taperla bilang Ms. Kindness, Geisha Kaye Panti bilang Ms. Justice, Claire V. Magtagnob bilang Ms. Fortitue, Ryza Miel S. Lumbao bilang Ms Courage, Rikka Kate M. Soria bilang Ms. Patriotism, at Ms. Alma Mater na si Princess Viness B. Tabinas.

📸/✍🏼: Patricia Marquez

Photos from Ang Ugat's post 17/09/2025

| Nagawang mapasakamay ng Yunit VI ang dalawang ginto at dalawang pilak sa larong Chess sa katatapos pa lamang na Palarong Pampaaralan 2025.

Gamit ang talino nagawang makuha ng mga manlalaro mula sa Yunit VI na sina Jhunlenzy Gonzales at Niňa Rita San Juan ang dalawang ginto. Sinundan naman ito nina Lawrenz Panti at Princess Viness Tabinas matapos mapasakamay ang dalawang pilak.

Sa kabilang daku, naiuwi naman ni Jonnah Torrenueva ng Yunit IV at Nathaniel Arcilla ng Yunit III ang tansong medalaya.





📸Fatima Majuni

Photos from Ang Ugat's post 17/09/2025

| Sinalo nina Jhezter Mark Torio at Lindsay Ann Soliveres ng Yunit III ang gintong medalya sa larong Badminton. Dagdag pa rito, naiuwi din nina Glenford Dave Guarte at Krisha Cassandra Panti ang pilak gayundin, napasakamay ni Lemuel Ogalesco ang tanso na kapwa mga manlalaro ng Yunit III sa nabanggit na laro.

Samantala, hinakot naman ng napasakamay naman nina Althea Torio at Marian Nicole Bautista ng Yunit IV ang iba pang pilak sa larong Badminton. Naiuwi naman ni Justin Lemore Totanes ng Yunit VI ang isa pang pilak sa kaparehong laro.





✍️Karl Vincent Obo
📸Patricia Marquez

Photos from Ang Ugat's post 16/09/2025

|1...2....3....Klik! Bilang pagtupad sa kahilingan ng karamihan, narito na ang mga larawang matagal na ninyong inaabangan mula sa publikasyon. Hanapin na at i-my day na yan!

Photos from Ang Ugat's post 16/09/2025

| Pinalo ng Yunit IV ang gintong medalya laban sa Yunit III matapos patikimin lamang ng pagkapanalo sa unang set ng larong Volleyball. Hindi naman na ito naulit matapos siguraduhin ng Yunit IV ang pagkapanalo sa ikalawa hanggang ikaapat na set ng laro. Dahil dito, tuluyang napasakamay ng Yunit IV ang gintong medalya matapos ang laro kahapon, Setyembre 15.





✍️Loraine Camu
📸Patricia Marquez

Photos from Ang Ugat's post 16/09/2025

| Matagumpay na naiuwi ng Yunit IV ang gintong medalya matapos ang mainit at dikit na laban kontra Yunit VI sa 5x5 Basketball sa iskor na 63-58 sa naganap na Palarong Pampaalaran, Setyembre 12.





✍️Justin Chavez Talan
📸Patricia Marquez, Rhoi Cedric Olonan

Want your business to be the top-listed Media Company in Virac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Calatagan High School
Virac