Filipino Klab
31/08/2025
Hindi magiging matagumpay ang ating mga patimpalak kung wala ang inyong mapanuring mga mata at pusong handang magbigay ng makatarungang hatol.
Maraming salamat sa mga hurado, sa pagtulong na gawing makulay at makahulugan ang ating Buwan ng Wikang Pambansa 2025!
Mabuhay kayo, mga haligi ng husay at karunungan! ππ
30/08/2025
Tikman ang lasa ng kasaysayan! π₯β¨
Sa Lutoβt Kasaysayan Festival ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, tampok ang mga putaheng nagmula sa ibaβt ibang rehiyon ng Pilipinas na kinatawan ng mga mag-aaral ng Senior High School ng Don Ramon E. Costales Memorial National High School.
Bawat isa, may kwentong sumasalamin sa ating kultura at pagkakakilanlan. Huwag palampasin ang pagsasalu-salo ng sarap, tradisyon, at pagmamahal sa sariling atin! π΅π
30/08/2025
Sayaw, awit, at galaw na sumasalamin sa ating kultura! πΆ
Sa entablado ng Buwan ng Wika, itinampok ang pinakamahusay na pagtatanghal sa Best in Production Number ππ
No. 7 β (12 STEM B)
No. 8 β (11 HUMSS C)
30/08/2025
Hindi lamang palamuti ang kasuotan, itoβy larawan ng ating lahi at tradisyon! β¨
Saludo sa mga mag-aaral at adbayser ng Senior High School ng Don Ramon E. Costales Memorial National High School na buong pusoβt malikhaing lumikha ng kahanga-hangang kasuotan para sa Lakan at Lakambini ng Wika 2025!
30/08/2025
Lakan at Lakambini ng Wika 2025 (Malikhaing Kasuotan)
Pagbati sa mga nagwagi! β¨
Isang mainit na palakpakan para sa ating mga itinanghal na Lakan at Lakambini 2025 na ginanap ngayong Agosto 29, 2025 ππ
Taglay ninyo ang ganda, galing, at pagiging makabayan sa pamamagitan ng malikhaing kasuotan na tunay na sumasalamin sa ating kultura at pagkakakilanlan. π΅π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Don Ramon E Costales Memorail National High School
Villasis
2427
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |