WES Gatchalian

WES Gatchalian

Share

29/04/2026

Hindi dapat naaantala ang serbisyong para sa ating mga kababayan.

Kaninang umaga, pagpasok ko sa City Hall ay may mga lumapit sa akin at nagsabi na maaga pa lamang ay nakapila na sila para sa distribution ng benteng bigas mula sa National Government. Sa init ng panahon ngayon, hindi biro ang ilang oras na pagtayo sa pila, lalo na para sa mga senior, buntis, at may kasamang mga bata.

Kaya kaagad-agad ho ay pinatawag natin ang DA, kinatawan ng FTI, at ang ating mga katuwang sa pamamahagi upang ma-i-release na agad ang mga bigas. Nagpadala rin tayo ng rescue team at potable water truck natin dahil nabalitaan ko rin na marami ang nahihilo at nauuhaw.

Asahan niyo po na patuloy tayong makikipag-ugnayan upang mas mabilis at mas maayos ang sistema at ma-i-raise ang concern ng ating mga kababayan.

26/04/2026

Overtime sa parking🚙 Good night sa lahat😴

24/04/2026

: WAY FORWARD: Valenzuela City Strategic Infrastructure and Safety Initiative Report

23/04/2026

Kitang-kita kung gaano ka-energetic at ka-engaged ang mga kabataang Valenzuelano nitong nakaraang Summer Sports Camp 2026.

Sa mahigit 2,000 na sumali, bawat isa ay may kaniya-kaniyang kwento. May first time sumubok, may gustong gumaling pa, at may simpleng gustong makasama ang barkada.

Nakakatuwang makita na masigasig ang ating kabataang Valenzuelano sa pagsali sa ating summer sports camp! Sana ay marami kayong natutuhan!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Mayor's Office, 3rd Floor, Executive Building, MacArthur Highway, Karuhatan
Valenzuela
1440