D' Unshakeable
23/06/2026
Isaiah 49:1
“Listen to me, you islands; hear this, you distant nations: Before I was born the Lord called me; from my birth he has made mention of my name.”
Grabe ’no, pre-loaded pala tayo ng purpose ni Lord even before tayo isinilang. Si Isaiah, sinabi niya dito na tinawag siya ng Diyos before pa man siya naipanganak meaning, hindi accident ang buhay niya, hindi rin biglaan lang ang assignment niya. May plano na si Lord even before nag-form pa lang siya sa sinapupunan.
Ganun din tayo, fam. Hindi tayo “extra” lang sa storya ng Diyos. May pangalan tayong tinawag Niya meaning personal, specific, intentional ang calling natin. Kahit pa minsan feeling natin late na tayo, or hindi pa rin clear ang direksyon, hindi nangangahulugan na walang plano si Lord. Baka hindi pa lang Niya inilalatag lahat pero tinawag na tayo, name and all, way before pa natin nalaman.
May mga araw na ang dating natin sa sarili natin, “bakit ako pa?” o “sapat ba ako para dito?” Pero ang sagot ni Lord dito kay Isaiah: tinawag kita bago ka pa man dumating. Hindi tungkol sa kakayahan mo ’yan, tungkol sa pagpili Niya sayo.
Application
• Sa work natin ngayon sa team, sa pamilya, sa ministry, alalahanin na hindi tayo nandito by accident. May tinatawag na role si Lord sa atin dito, kahit pa hirap minsan o magulo ang sea*on.
• Kung may pagdududa ka sa sarili mo today, balikan mo ‘to: hindi base sa skill mo ang tawag sa’yo, base sa pagtawag Niya.
• Tanong para sa team: “Saan area ng buhay mo feeling mo, tinawag ka talaga ni Lord, kahit pa hindi mo pa lubos na nauunawaan?”
🙏
Lord, salamat na bago pa man ako dumating sa mundong ito, may plano Ka na para sa akin. Patawad sa mga araw na nadududahan ko ang sarili ko at ang tawag Mo sa buhay ko. Ipaalala Mo po sa akin araw-araw na may purpose ako sa Iyo, hindi base sa abilidad ko, kundi sa pagpili Mo. Gabayan Mo ako na lakaran ang calling na ito with confidence at humility. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Mendoza
Valenzuela
1444