PLV Cultural Dance Troupe
25/12/2025
Maligayang Pasko mula sa Pamantasan ng Lungsod ng ValenzuelaโCultural Dance Troupe!
Sa pagitan ng ensayo, pawis, indak, at entablado, dumating din ang panahong ang ritmo ay papalitan muna ng pahinga.
Ipinagdiriwang namin ang Pasko bilang panahon ng pasasalamatโsa bawat hakbang na natutunan, bawat kumpas na napagtagumpayan, at bawat samahang mas pinagtibay sa unang semestre. Nawaโy magsilbi ang kapaskuhan bilang pahinga ng katawan, sigla ng puso, at inspirasyon ng isipan para sa mas matibay na layunin sa darating na semestre.
Maligayang Pasko at masiglang bakasyonโmula sa aming entablado patungo sa inyong mga tahanan!
-----
๐-๐๐ค๐ก๐ก๐ค๐ฌ, ๐-๐ก๐๐ ๐, ๐๐ฉ ๐-๐จ๐๐๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ upang hindi mahuli at maging updated sa mga panibagong kaganapan at ilang anunsyo mula sa samahan.
https://www.facebook.com/profile.php?id=100085880945256
Kung may mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa mga sumusunod:
๐๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฒ: Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela Cultural Dance Troupe
๐๐ป๐๐๐ฎ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฒ:
๐๐บ๐ฎ๐ถ๐น: [email protected]
23/12/2025
Isang gabi ng kaayusan at kasiyahan, kung saan ang kultura ay patuloy na sumasabay sa usoโmay saysay, may saya, at may direksiyon.
Sa pagitan ng disiplina at diskarte, entablado at kalsada, matagumpay na ginanap ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela โ Cultural Dance Troupe ang General Assembly at Year-end Party (GAYEP) na may temang Sining ng Kalsada: Pagtatagpo ng Uso at Pagkakakilanlan nitong Biyernes, ika-19 ng Disyembre.
Sinimulan ang hapon sa pormal na pagtalakay ng mga bylaws ng samahan, sinundan ng mga palarong nagpagalaw hindi lamang ng katawan kundi pati ng buong samahan. Lalong umingay ang palakpakan na pinasigla ng mga pagtatanghal ng bawat taon, kung saan nagsalubong ang uso at kultura. Kasabay nito ang pormal na pagkilala sa mga bagong opisyal na miyembro na opisyal nang may titulo, responsibilidad, at mas madalas na attendance check. Bilang pagtatapos, nagbigay-pugay ang samahan sa minamahal na tagapayo at sa pamunuan na patuloy na gumagabay sa bawat hakbang, galaw, at desisyon ng grupo.
Isang hapong nagpatunay na sa PLVโCDT, ang sining ay hindi lamang ipinakikita, kundi isinasabuhayโmaayos sa umpisa, makulay sa gitna, at makabuluhan hanggang sa huling hakbang.
-----
๐-๐๐ค๐ก๐ก๐ค๐ฌ, ๐-๐ก๐๐ ๐, ๐๐ฉ ๐-๐จ๐๐๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ upang hindi mahuli at maging updated sa mga panibagong kaganapan at ilang anunsyo mula sa samahan.
https://www.facebook.com/profile.php?id=100085880945256
Kung may mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa mga sumusunod:
๐๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฒ: Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela Cultural Dance Troupe
๐๐ป๐๐๐ฎ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฒ:
๐๐บ๐ฎ๐ถ๐น: [email protected]
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the establishment
Website
Address
Valenzuela