SPPC San Isidro Labrador - Malinta

SPPC San Isidro Labrador - Malinta

Share

24/05/2026

May 24, 2026 | Banal na Misa | Ika-6:00 ng Hapon

Linggo ng Pentekostes

๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/SanIsidroLabradorParishMalintaOfficial

๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น
www.youtube.com/-SanIsidroLabrador






Disclaimer: No copyright infringement intended. Gintong Butil - Parish of San Isidro Labrador, Malinta Valenzuela does not own the music featured in this video. All rights belong to their rightful owner.

Photos from SPPC San Isidro Labrador - Malinta's post 24/05/2026

๐’๐ˆ๐Œ๐๐€ ๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐–)
22 Mayo 2026 | Biyernes

Matagumpay na ginanap sa ating Bisita ang ikaapat na araw ng Simba-Aralan, na dinaluhan ng mga batang may edad 7 hanggang 13 taong gulang. Ang gawaing ito ay naglalayong hubugin ang kanilang pananampalataya at palalimin ang kanilang kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng masayang pagkatuto at paggabay.

Inaanyayahan po ang lahat ng mga bata na patuloy na makibahagi sa Simba-Aralan sa buong buwan ng Mayo. Ito ay gaganapin tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula ika-3:00 hanggang ika-5:00 ng hapon. Sa bawat araw, inaasahang mas mapalalago ang kanilang debosyon at mabubuo ang kanilang mabuting asal bilang kabataang Kristiyano.

Nawaโ€™y patuloy nating suportahan ang gawaing ito para sa kabutihan at kinabukasan ng ating mga kabataan.

๐‡๐š๐ฅ๐ข๐ง๐šโ€™๐ญ ๐ฌ๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ, ๐ฆ๐š๐ ๐๐š๐ฌ๐š๐ฅ, ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฒ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐š๐ -๐ข๐ง๐ข๐ญ!


------------------------------------------------
SPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA
Facebook:
https://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
Instagram:
https://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
Threads:
https://www.threads.net/
------------------------------------------------

22/05/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ | ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ค๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฌ

๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฆ๐—” | Mga Gawa 2: 1-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animoโ€™y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wariโ€™y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng ibaโ€™t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

May mga Judiong buhat sa ibaโ€™t-ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi, โ€œHindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayoโ€™y mga taga-Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia sa Ponto, at sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa ating-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.โ€

Ang Salita ng Diyos.

๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐— ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—š๐—จ๐—ก๐—”๐—ก | Salmo 103: 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

o kaya: Aleluya!

Pinupuri ka P**ng Diyos nitong aking kaluluwa,
O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig ikaw roon, kay rami ng iyong likha.
Sa daming nilikha moโ€™y nalaganapan ang lupa.

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

Natatakot mangamataโ€™y kung kitlin mo ang hininga;
Mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

Sana ang โ€˜yong karangalaโ€™y manatili kailanman,
sa lahat ng iyong likha ang madamaโ€™y kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ฆ๐—” | 1 Corinto 12: 3b-7. 12-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Hindi masasabi ninuman, โ€œPanginoon si Hesus,โ€ kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo.

Ibaโ€™t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Ibaโ€™t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Ibaโ€™t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isaโ€™y binigyan ng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.

Sapagkat si Kristoโ€™y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng ibaโ€™t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—” |

Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kamiโ€™y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya! Aleluya!

๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Juan 20: 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. โ€œSumainyo ang kapayapaan!โ€ sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, โ€œSumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.โ€ Pagkatapos, silaโ€™y hiningahan niya at sinabi, โ€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



------------------------------------------------
SPPC SAN ISIDRO LABRADOR - MALINTA SOCIAL MEDIA
Facebook:
https://www.facebook.com/malintachapel?mibextid=ZbWKwL
Instagram:
https://www.instagram.com/sppcmalinta/profilecard/?igsh=MXRhZTlzeWl1b3BwZA==
Threads:
https://www.threads.net/
------------------------------------------------

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Malinta
Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 6am - 5pm
Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 6am - 5pm
Friday 6am - 5pm
Saturday 5am - 6pm
Sunday 9am - 12am