Hope Garden
11/10/2021
Salamat po sa mga plant miners at viewers natin sa live-selling kanina!
Bukas po ulit? See you! 💚
07/09/2021
Madalas nating naririnig ang mga salitang
"Acclimated na po ito" or
"Very well-acclimated na ito dito sa lugar natin"
sa mga posts man or live-selling.
Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito? Tamang gamitin ang salitang ito para sa mga halaman na inilipat sa bagong environment. Halimbawa, kung ang halaman mo ay galing sa malamig na klima, pagkatapos ay dinala sa lugar na may-kainitan, malaking adjustment ito para sa iyong halaman. Applicable rin ito kapag mayroong changes sa klase ng lupa, humidity, at marami pang iba.
Masasabi mo namang "acclimated" na ang iyong halaman kapag maayos na itong nagpo-produce ng bagong leaves, lumalaki ng tama at maayos sa kanyang bagong environment.
Hindi madaling magpa-acclimate ng halaman, kailangan mo itong tutukan upang matulungan mo itong mag-adjust sa kanyang paligid dahil maraming pagbabago ang nangyayari dito, kahit papaano, kailangan mong gayahin ang environment kung saan siya originally nanggaling. Kung hindi naging successful ang acclimation, maaring hindi ito lumaki ng maayos, magkaroon ng discoloration, paninilaw, pagkabulok, o mamatay ang halaman.
May ideas ba kayo tungkol dito? I-share niyo naman by commenting below!
References:
https://www.researchgate.net/publication/283300426_Effective_Acclimatization_of_in_Vitro_Cultured_Plants_Methods_Physiology_and_Genetics
Photo ref.: unsplash.com
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Valenzuela
1441