RidersPh

RidersPh

Share

06/04/2026

Baka Kilala nyo.. Baka nag NORTH LOOP ito Na Mag Isa..

𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗚, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗞𝗨𝗛𝗔

𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗚, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗞𝗨𝗛𝗔

TUGUEGARAO CITY — Nanatiling palaisipan ang pagkakakilanlan ng isang lalaking nasawi sa isang malagim na aksidente matapos ang limang araw na walang sinumang lumalapit upang kilalanin at angkinin ang kanyang labi.

Batay sa ulat ng Abulug Police Station, naganap ang insidente noong gabi ng Huwebes Santo, Abril 2, sa kahabaan ng Maharlika Highway, Sitio Lanao, Barangay Guiddam, Abulug, Cagayan.

Siya ay nawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong scooter at tuluyang sumalpok sa isang poste ng kuryente. Sa lakas ng impact, nawasak ang helmet na suot nito.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 25 hanggang 30 anyos, may taas na humigit-kumulang 5’6”, katamtaman ang pangangatawan, maputi, at may maiksing kulot na buhok. Wala rin itong dalang anumang pagkakakilanlan sa oras ng insidente.

Dagdag pa ng mga awtoridad, walang plaka ang motorsiklo ng biktima at burado ang chassis number nito, na lalo pang nagpapahirap sa pagtukoy ng kanyang identidad.

Sa kasalukuyan, nananatili ang labi ng biktima sa morgue ng Far North Luzon General Hospital habang patuloy ang panawagan ng pulisya sa publiko na makipag-ugnayan kung may impormasyon na makakatulong sa pagkilala sa nasawi.

Photo Courtesy: Abulug PS Valley Cops

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

Want your business to be the top-listed Media Company in Intramuros?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Intramuros