The Conquerors
26/02/2023
Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2023
Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Amore Academy sa kanilang ika-18 taon, ikina saya at tuwa ng mga estudyante at g**o ang Araw ng mga Puso na siyang pinaghandaan ng mga estudyante.
Nagsuot ng pulang T-shirt ang bawat estudyante at miyembro ng Amore Academy teachers at staff. Naghanda naman ng kani-kanilang pakulo ang Amore Student Council (ASG) at Conqueors.
Sa celebrasyon ng Araw ng mga Puso, naghanda ng Harana booth ang Conquerors, kung saang nirentahan ng mga estudyante ang Conquerors at haharanahin ang taong gusto nilang tugtugan.
Matiwasay ang naging preparasyon at magandang naitaguyod ang paghaharana ng Conquerors sa mga nagrenta.
Masaya at kinilig naman ang lahat ng nakasaksi sa paghaharana na may kasamang tsokolate at paper flower bouquet na gawa ng Conqueror sports writer, Angelique Bustilla.
Habang maligayang binuksan ng ASG ang kanilang wedding booth na siyang naging patok sa karamihan.
Ulat ni Crissa Mae Zamora
Litrato kuha ni Timothy Cordovero at Christelle Gamueda
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Trece-Indang Road , Brgy. Luciano
Trece Martires
4109