Sibuco Rural Health Unit Official
24/03/2026
‼️ 𝗬𝗘𝗦! 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗖𝗔𝗡 #𝗘𝗡𝗗𝗧𝗕! ‼️
Ngayong World TB Day, makiisa tayo sa layuning wakasan ang Tuberculosis sa bansa. Ang TB ay isang sakit na maaaring maiwasan at ganap na magamot kung tayo ay magiging responsable sa ating kalusugan at susunod sa payo ng mga eksperto.
Tandaan ang tatlong hakbang para maging protektado:
Magpasuri: Magpa-X-ray at magpa-test sa pinakamalapit na health center para masiguro ang iyong kalagayan.
Magpagamot: May LIBRENG gamot sa ating mga TB Facilities! Tapusin ang buong gamutan para maging .
Mag-TPTodo: Protektahan ang pamilya. Uminom ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT) ayon sa reseta ng doktor.
Huwag mag-atubiling kumonsulta sa pinakamalapit na health center para sa libreng serbisyo at suporta. Kaya natin ito, Pilipinas!
Source: Department of Health (DOH)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Website
Address
Poblacion
Titay