Red Coquia-DWRS Radyo Pilipinas

Red Coquia-DWRS Radyo Pilipinas

Share

15/07/2026

𝘽𝙁𝘼𝙍 𝙍𝙚𝙜𝙞𝙤𝙣 1, 𝙄𝙜𝙞𝙣𝙞𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙖𝙜𝙙𝙖𝙜 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙨𝙞𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙖𝙩 𝙎𝙪𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙚𝙠𝙩𝙤𝙧 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣

Nanawagan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 ng mas maraming pasilidad at suporta upang mapalakas ang produksyon ng pangisdaan sa rehiyon sa gitna ng iba't ibang hamong kinakaharap ng sektor.

Ayon kay BFAR Region 1 Regional Director Remely Lachica, kailangan ang karagdagang cold storage at fish processing facilities upang mabawasan ang post-harvest losses at mapataas ang halaga ng mga produktong pangisdaan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng sapat na suplay ng fingerlings sa pamamagitan ng mga hatchery upang mapanatili ang produksyon ng bangus, tilapia, at iba pang high-value aquatic commodities.

Sinabi rin ni Lachica na patuloy na nakaaapekto sa produksyon ang mababang lebel ng tubig sa ilang fishpond, matinding init, at pagbabago sa kondisyon ng tubig. Nananatili ring banta ang illegal fishing sa yamang-dagat.

Kaugnay nito, hinihikayat ng BFAR ang mga mangingisda na agad iulat ang anumang iligal na aktibidad sa mga kinauukulan. Patuloy rin ang pagpapatupad ng ahensya ng mga programa at teknikal na suporta upang mapalakas ang produksyon at kabuhayan ng sektor ng pangisdaan sa Region 1.|| via Red Coquia-DWRS Radyo Pilipinas

Photos from Radyo Pilipinas Tayug's post 15/07/2026

𝙉𝙁𝘼 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙨𝙞𝙣𝙖𝙣, 𝙉𝙖𝙜𝙨𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝘽𝙧𝙞𝙚𝙛𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙋𝙪𝙧𝙘𝙝𝙖𝙨𝙚 𝙊𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙎𝙮𝙨𝙩𝙚𝙢 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙥𝙖𝙝𝙪𝙨𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙩𝙪𝙥𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙡𝙖𝙮 𝙋𝙧𝙤𝙘𝙪𝙧𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 𝙨𝙖 𝙇𝙖𝙡𝙖𝙬𝙞𝙜𝙖𝙣

Nagsagawa ang National Food Authority o NFA Pangasinan Branch Office ng komprehensibong briefing kaugnay ng pagpapatupad ng Purchase Order o PO System bilang bahagi ng pagpapalakas ng Palay Procurement Program ng ahensya.

Dinaluhan ng mga kawani ng NFA Pangasinan ang briefing upang magkaroon ng iisang pag-unawa sa mga bagong alituntunin at proseso sa pagbili ng palay mula sa mga lehitimong magsasaka.

Tinalakay sa aktibidad ang layunin ng Purchase Order System, mga hakbang sa pagproseso ng purchase order, mga kinakailangang dokumento, at ang tungkulin ng bawat kawani sa bawat yugto ng procurement process.

Ipinaliwanag din ng NFA ang mahahalagang pagbabago sa kasalukuyang sistema upang matiyak ang maayos na koordinasyon, tamang dokumentasyon, at mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasakang nagbebenta ng kanilang ani sa ahensya.

Ayon sa NFA, bahagi ang briefing ng patuloy na pagsisikap na mapahusay ang pagpapatupad ng Palay Procurement Program sa lalawigan ng Pangasinan.|| via Red Coquia-DWRS Radyo Pilipinas

(Photo NFA Pangasinan)

Photos from Radyo Pilipinas Tayug's post 14/07/2026

𝙀𝙭𝙥𝙖𝙣𝙙𝙚𝙙 4𝙋𝙃 𝙃𝙤𝙪𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙐𝙣𝙞𝙩𝙨, 𝙄𝙥𝙞𝙣𝙖𝙜𝙠𝙖𝙡𝙤𝙤𝙗 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝘽𝙚𝙣𝙚𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙧𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙏𝙖𝙧𝙡𝙖𝙘

Opisyal nang tumanggap ng mga housing unit ang ilang benepisyaryo ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o Expanded 4PH Program sa isinagawang ceremonial turnover nitong Miyerkules sa Brentwood Residences sa bayan ng Capas, Tarlac.

Pinangunahan nina Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta ang pamamahagi ng mga "symbolic keys" sa mga benepisyaryo ng flagship housing program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa pamunuan ng Apec Homes, ang Brentwood Residences ay inaasahang bubuuin ng humigit-kumulang siyam na libong socialized housing units dahil sa estratehikong lokasyon nito.

Matapos ang turnover, ininspeksyon nina Secretary Aliling at CEO Acosta ang mga model units at ilang ready-for-occupancy o RFO units. Kasama rin si Senior Undersecretary Eduardo Robles Jr. sa pagbisita. Ayon sa DHSUD, patuloy ang pagmomonitor at pagdalo ng ahensya sa mga awarding at turnover ceremonies sa buong bansa upang mapabilis at mapalawak ang implementasyon ng Expanded 4PH Program.|| via Red Coquia-DWRS Radyo Pilipinas

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Tayug?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Tayug