STEP TSU

STEP TSU

Share

21/05/2026

𝗦𝗧𝗘𝗣 𝗧𝗦𝗨 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝗔𝗟𝗢𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 - 𝗞𝗼𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗵𝗲𝗻𝘆𝗲𝗿𝗶𝘆𝗮

Sa isang kolehiyong hinuhubog ng disiplina, inobasyon, at kritikal na pag-iisip, mahalagang magkaroon ng mga lider-estudyanteng hindi lamang mahusay sa pagdidisenyo ng mga plano, kundi marunong ding bumuo ng matitibay na pundasyon ng tiwala, pagkakaisa, at representasyon.

Bilang isang sosyo-politikal na organisasyong nagsusulong ng makabuluhang partisipasyon ng kabataan sa loob at labas ng pamantasan, ipinapahayag ng STEP TSU ang aming suporta sa 𝗔𝗟𝗢𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 para sa nalalapit na halalan sa Kolehiyo ng Inhenyeriya ng Tarlac State University.

Naniniwala kami na ang tunay na student leadership ay hindi basta binubuo ng mga pangakong madaling mabuwag sa unang pagsubok. Tulad ng isang matibay na estruktura, kinakailangan nito ng kongkretong solusyon na sinlakas ng semento, paninindigang hindi basta natitinag, at pamamahalang mahusay magbalanse ng pangangailangan ng komunidad.

Sa panahon kung saan maraming hinaing ang nangangailangan ng agarang aksyon, mahalaga ang mga lider na kayang magsilbing ilaw na nagbibigay-direksyon, makina ng pagkilos na nagpapatuloy sa gitna ng hamon, at puwersang nagdurugtong sa iba’t ibang boses at sektor ng kolehiyo. Mula Civil Engineering hanggang Industrial, Electronics, Mechanical, at Electrical Engineering, mahalagang magkaroon ng representasyong marunong makinig, umunawa, at kumilos para sa kapakanan ng bawat estudyante.

Sa ALON, nakikita namin ang isang pagkilos na handang sumuong sa agos ng pagbabago nang may malinaw na layunin at pananagutan. Isang uri ng pamumunong hindi lamang nakatuon sa pagpapakita, kundi sa aktwal na pagbuo ng mga hakbang tungo sa mas inklusibo, makatao, at responsableng pamamahala.

Patuloy naming hinihikayat ang bawat mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhenyeriya na maging mapanuri, makilahok, at gamitin ang kanilang tinig hindi lamang bilang boto, kundi bilang bahagi ng sama-samang pagdidisenyo ng mas demokratiko at makatarungang pamantasan.

🌊 Sa bawat ALON ng pakikibaka, may HAKBANG na handang sumabay.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Tarlac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Tarlac State University
Tarlac
2300