Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office

Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office

Share

Photos from Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office's post 24/07/2026

🔹ALAS KWATRO KONTRA MOSQUITO DRIVE 🔹
Tara na at makiisa sa ALAS-KWATRO KONTRA MOSQUITO.
✅ Maging bahagi ng kampanya laban sa dengue!
✅ Maglinis tuwing 4:00 ng hapon—Taob, Taktak, Tuyo, at Takip!
✅ Alisin ang posibleng pamahayan ng lamok sa inyong bakuran at paligid.
Makilahok sa pagsugpo ng Dengue, puksain ang pinamumugaran ng lamok. Sa sama-samang pagkilos, mas ligtas ang bawat tahanan at komunidad! Sa pagtaas ng dengue cases sa lungsod, pangalagaan ang inyong sarili at pamilya laban sa kagat ng lamok.
Mag-5s kontra Dengue:
🟢 Search and destroy mosquito-breeding sites
🟢 Seek immediate consultation sa oras na makaranas ng mga nasabing sintomas
🟢 Say no to indiscriminate fogging o ang paggamit ng spray na nagpapaalis lamang sa mga lamok at hindi pumupuksa sa mga itlog at kitikiti.
🟢 Self-protection measures sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga mahahabang damit, light-colored na damit, at pagpahid ng mosquito repellant.
🟢 Sustain hydration sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration na dulot ng lagnat o pagsusuka kung may sakit na dengue.
Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center sa oras na makaramdam ng mga sintomas ng dengue:
🔵 Mataas na lagnat sa loob ng 2 hanggang 7 araw
🔵 Pananakit ng kalamnan at kasukasuan
🔵 Panghihina
🔵 Pagkawala ng ganang kumain
🔵 Pamumula ng balat
🔵 Pananakit ng tyan at pagsusuka
🔵 Pagdurugo ng ilong at gilagid
Alamin ang sintomas ng dengue bago pa man ito maging malubha.
Makipag-ugnayan agad sa inyong healthcare worker.
Maging Alisto, maging mAAgap, maging sigurado laban sa sintomas ng Dengue!
☎ DOH Dengue Hotline:
(02) 711-1001
(02) 711-1002

24/07/2026

🔹Ulat Panahon🔹
Hulyo 24, 2026

Patuloy na pinalalakas ng bagyo ang Habagat o Southwest Monsoon na nakaaapekto sa Gitna at Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Samantala, ang sentro ng Tropical Storm "KIYAPO" (NOUL) ay namataan sa katubigan ng Camiguin Island, Calayan, Cagayan.

Sa Cavite, makakaranas ng maulap hanggang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat bunsod ng pinalakas na Habagat.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Tarlac city?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


2nd Floor CDRRM Office, Command Center Building, Buhay Na Tubig Road
Tarlac City
4103