Wikang Filipino
Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino
Pananaliksik
ay Isang sistemantikong paghahanap sa katotohanan at kadahilanan Ng mga likas na kaganapan sa pamamagitan Ng siyentipikong pamamaraan.
Gallileo Gallilei "Ama Ng Siyentipikong Pamamaraan"
Datos, Impormasyon, Detalye, Palagay, Teorya, Prinsipyo, Batas at Katotohanan ang mga Kinakailangan sa Pagtahak Ng Katotohan
Katangian na dapat taglayin ng isang pananaliksik
*Kontrolado
*Valid
*Sistematiko
*Obhektibo, Lohikal, at Walang Kinikilingan
*Kwantiteytib o Kwaliteytib
*Empirikal
*Mapanuri
*Pinagtitiyagaan o hindi minamadali
Katangian ng mahusay na mananaliksik at mga balakid na maaaring kaharapin nito
*Mapanghinala
*Matanong
*Matiyaga
*May Paggalang sa Kapwa
*Maingat
Mga uri ng pananaliksik batay sa panahon na pakukunan ng datos
*Diskriptib
*Eksperimental
*Historikal
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
Kakayahang Sosyolingguwistik
Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Kakayahang Pragmatiko
ang pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang.
Kakayahang Diskorsal
ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA
Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian o nakasanayan na ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng mga karunungan, panitikan, paniniwala, kaugalian, sining, batas, pagpapahalga, at iba pa. Dahil mahalagang instrumento ang wika upang makapag-ugnayan angmga tao, ito ang ginagamit upang maipahayag, malinang, at mapalaganap pa ang kultura. Ito rin ang ginagamit upang maisailin at maipamana ito sa susunod na henerasyon. Ang paraan ng paggamit ng wika at pagbibigay-kahulugan dito ay maaaring magkakaiba sa iba’t ibang lugar batay sa kulturang taglay ng lugar na gumagamit nito.
KAALAMANG BAYAN BIKLANG KULTURA NG PAMAYANAN
Ang kaalamang bayan ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at tradisyon ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangan na nagpasalin-salin sa
iba’t ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.
Iba’t ibang uri ng kaalamang Bayan
A. Ang awiting-bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa ng mga ito ay Leron, Leron Sinta, Bahay Kubo, Alin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid (Simbulan, 2012)
Mga Uri ng Awiting-bayan
1. Ang kundiman ay awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal. Mula noong panahon ng Esapanyol hanggang ngayon ay kadalasang ginagamit ito para maipadama ang pagmamahal sa iniibig o pagmamahal para sa bayan o bansa.
2. Ang kumintang ay dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pagibig.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
SOUTHVILLe 10
Tanay
1980