An Paghurma

An Paghurma

Share

30/05/2026

𝗧𝗦𝗖𝗛𝗜 𝗕𝗮𝘁𝗰𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗧𝗼𝗽 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗢𝗦𝗧 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿𝗴𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗲 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽

Isa na namang malaking karangalan ang naitala ng Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries (TSCHI) matapos makapasa sa prestihiyosong Department of Science and Technology (DOST) Undergraduate Scholarship ang Batch 2026 top student na si Alwin Benedict Villero.

Batay sa opisyal na resulta na inilabas ng DOST, kabilang si Villero sa mga kwalipikadong iskolar para sa Academic Year 2026–2027. Siya rin ang nag-iisang pumasa mula sa mga mag-aaral ng TSCHI na kumuha ng pagsusulit para sa nasabing scholarship program.

Ang DOST Undergraduate Scholarship ay isa sa mga pinakaprestihiyosong scholarship program sa bansa na nagbibigay ng suporta sa mga estudyanteng magtataguyod ng kurso sa larangan ng agham, teknolohiya, inhinyeriya, at matematika (STEM).

Dagdag na tagumpay ito para kay Villero, na nauna nang nakapasa sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2026, isa sa pinakamahigpit at pinakakompetitibong pagsusulit para sa pagpasok sa kolehiyo sa bansa.

Photos from An Paghurma's post 27/05/2026

Day 02 | Part 02
Pagpapatuloy ng Ikalawang Araw ng Palihan para sa Binagong Kurikulum sa Baitang 9 at 10 sa asignaturang Technology and Livelihood Education (TLE)

kuhang larawan ni Adrian Raphael Maroto

Photos from An Paghurma's post 26/05/2026

Part 02 | Palihan para sa Binagong Kurikulum sa TLE Baitang 9 at 10

larawang kuha ni Adrian Raphael Maroto

Photos from An Paghurma's post 26/05/2026

TINGNAN | Palihan para sa Binagong Kurikulum sa Baitang 6, 9, at 10, kasalukuyang isinasagawa sa TSCHI

Kasalukuyang isinasagawa ang 4 na araw na pagsasanay sa Revised K-10 Curriculum sa Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries kung saan dumalo ang mga g**o mula sa iba't ibang paaralang sakop ng Leyte Division partikular ang mga g**o sa Grade 9 at 10 na nagtuturo ng Technology and Livelihood Education (TLE).

Ang palihan na ito ay nasa ikatlo at huling yugto (Phase 3) ng pagsasanay kung saan binigyang-tuon ang Baitang 6, 9, at 10 sa lahat ng asignatura.

kuhang larawan ni Adrian Raphael Maroto

Want your business to be the top-listed Media Company in Tanauan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Imperio Street
Tanauan
6502

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm