OrdinaryO

OrdinaryO

Share

13/05/2026

𝐓𝐨𝐩 𝟑!

Sa paglabas ng resulta ng Licensure Examination for Teachers kanina, Mayo 12, 2026, buong-pasasalamat si Raquel Silaya, benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Lopez, Quezon, na isa siya sa mga topnotchers.

Ayon sa kanya, ang tagumpay na ito ay bunga ng kanilang hindi pagsuko sa pangarap sa kabila ng mga hamon, lalo na ang mga sakripisyo ng kanyang tatay na isang construction worker at ng kanyang nanay na buong pusong nag-aalaga sa kanilang limang magkakapatid.

Kung kaya't ang tagumpay na ito ay alay niya sa kanyang buong pamilya at sa lahat ng umalalay sa kanya sa pag-abot ng kanyang pangarap, kabilang na rito ang 4Ps, na nagbigay ng suporta sa pag-aaral nilang magkakapatid.

Si Raquel ay isa lamang sa mga benepisyaryo ng 4Ps na patuloy na nagpapatunay na hinding-hindi nagiging hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng tagumpay, lalo na 'pag sinamahan ng sipag, tiyaga, at pananampalataya.

𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒂𝒕𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔, 𝑹𝒂𝒒𝒖𝒆𝒍 𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒈𝒖𝒓𝒐!

12/05/2026

Bato-kan na Yan!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Talomo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Strideworth Building Central Park
Talomo
8000