Renz stream & vlog
02/02/2025
"MAHAL NASAN KA NA? UWI KA AGAD HA."
Alam mo bang kapag hindi kayo magkasama ng Misis mo, independent siya?
Nagagawa nya yung mga bagay na akala mo hindi nya kaya.
Kaya pag kasama ka nya, madalas puro utos siya sayo.
Kasi hindi naman kayo palaging magkasama.
Kaya di ba minsan, kapag day off mo sa trabaho, gusto nya nasa bahay ka lang.
Kampante kasi siya na nandyan ka at yung mga gawain nya ay mapapagaan.
Kaya sana maintindihan mo na kahit rest day mo ay nagagawa ka pa rin nyang utusan.
Pero naiisip mo ba na kapag nasa trabaho ka at siya lang mag isa?
Kung paano nya nagagawa yung mga bagay na minsan sayo nya inaasa?
Paano nya kaya nagagawa yung mga mabibigat na gawain?
Sa dami ng gawaing bahay, nagagawa pa kaya nyang kumain?
Hindi mo yun naiisip kasi mas inuuna mong magreklamo.
Kaya minsan, nagagalit siya sayo, dahil minsan na nga lang yung pahinga mo, pero mas pinipili mo pang kasama yung ibang tao.
Kaya sana marealize mo na kapag day off mo, gusto niyang magkasama kayo.
Komportable kasi siyang gumalaw kapag nandyan ka, kasi alam niyang meron siyang makakatulong.
Kasi kapag wala ka, may mga bagay na pinipilit siyang gawin kahit hindi siya marunong.
Kaya sana wag kang mapapagod sa mga utos nya sayo. Hindi kasi lahat ng oras nasa tabi ka nya.
Yung isang araw mong pahinga ay parang rest day nya na rin sa pagiging INA.👍❤️👍
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Talisay
6045