PSS Sessions
Nagtataka ka ba kung bakit nakakaya mong buhatin ang mabibigat na bagay nang mag-isa at mabilisan kapag may panganib?
Alamin sa PSS Sessions.🥰
16/08/2025
"The Story of a CFSV"
A Testimonial Story
Si AG, isang profound stress na evacue na nakatira sa evacuation center during the massive displacement in Maguindanao, way back 2008, ay sinabihang traumatized dahil sa masaklap nitong karanasan. Si AG ay lumikas na ang tanging dala lamang ay isang maliit na maletang naglalaman Ng mga titulo ng lupa at Isang laptop. Naiwan ang ilang sets Ng computer desktop na ipinupundar para sa pangarap na makapagpatayo ng Computer Learning Center. Lahat ay naglaho at ang bahay ay naging abo makalipas ang tatlong araw ng paglikas. Ito ang nakitang dahilan ng mga tao upang sabihing traumatized si AG.
Dalawang taon ang lumipas, may Psychosocial Intervention ang UNICEF sa pamamagitan Ng implementing partner nitong CFSI. Ang intervention ay para sa mga batang IDP sa evacuation center. Ngunit kailangan ang volunteer teachers sa community na magsasagawa ng psychosocial activities para sa mga bata. Isa sa mga napili ay si AG. Sila ay tinawag na CFSV or Child Friendly Space Volunteers.
Nasabak sa psychosocial training at natalakay ang experiences the time of evacuation. Naibulalas ni AG ang matagal nang kinikimkim na kalungkutan at hinanakit sa nangyari. Umiyak habang ibinabahagi ang kuwento. Ngunit pagkatapos umiyak ay naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya dahil may mga taong nakinig at umunawa Ng kanyang kuwento. Dito nya naintindihan na ang mga naramdaman nyang lungkot at galit kapag may nkikita syang mga taong masaya habang nag-uusap ay normal lang. Mga normal lang na mararamdaman dulot ng abnormal na sitwasyon. Noon ay naunawaan ni AG na ang isang tao ay hindi dapat husgahang traumatized kung hindi dumaan sa medical intervention kahit pa may nakikitang pagbabago sa kanyang behavior.
Pagkatapos ng psychosocial training ay isinabak na ang grupo ni AG sa psychosocial activities kasama ang mga batang IDP. Bawat session ay nakakaaliw. Hindi lang mga bata ang naaaliw kundi pati ang mga magulang nila. Iba kasi ang buhay sa evacuation site. Napakalungkot. Laging may kulang. Laging dapat mag-ingat. Limitado ang kilos dahil wala ka sa sariling lugar.
Bawat psychosocial session ay nababasasan ang lungkot sa puso ni AG at ganon dn ang kanyang mga kasama. Hanggang sa unti-unting nanimbalik ang sigla ng kanyang pagkatao. Salamat sa psychosocial na dumating sa Datu Anggal Midtimbang.
Sa ngayon, isa nang ganap na g**o si AG. Ginagamit nya sa araw-araw niyang pagtuturo ang psychosocial approach na iabang-iba sa nakasanayang daloy ng klase. Dahil dito, mahal na mahal sya ng lahat ng batang pumapasok sa kanyang klase. Sadyang pinipili na rin ng mga magulang na ipasok sa kanyang klase ang kanilang mga anak. Kaya sa bawat taon ay nahihirapan magsagawa si AG ng screening dahil minsan ay hindi nasusunod dahil sa maraming pakiusap ng magulang.
Ito ang patunay na kapag isinapuso ang psychosocial ay hindi mapapantayan ang mabuting epekto nito sa buhay ng bata. At kung nais mong magkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa psychosocial, subaybayan ang PSS Session.
Maraming salamat sa pagtunghay ng testimonial story ng buhay ni AG.
Real life story
AG
16/08/2025
With repaint authorized – I just got recognized as one of their rising fans! 🎉
13/08/2025
Mga Strategies para Maiwasan at Mapagaan ang Profound Stress
1.Pagpaplano at Pagtatakda ng mga Priyoridad
- Gumawa ng isang listahan ng mga gawain at takdang oras.
- Itakda ang mga priyoridad at focus sa mga importante.
- Alisin ang mga hindi importante na gawain.
2. Pag-eensayo ng mga Pamamaraan sa Pag-relax
- Mag-eensayo ng yoga o meditasyon.
- Gumawa ng mga deep breathing exercise.
- Makinig ng mga musikang nakakapag-relax.
3. Pagkakaroon ng Sapat na Tulog at Pagkain
- Itakda ang isang regular na oras ng pagtulog.
- Kumain ng mga pagkain na may sapat na nutrisyon.
- Iwasan ang mga stimulant tulad ng kape at sigarilyo.
4. Pagkakaroon ng mga Aktibidad na Nakakapaglibang
- Gumawa ng mga aktibidad na nakakapaglibang tulad ng pagbabasa o pagpipinta.
- Makisali sa mga grupo o klub na may mga aktibidad na gusto mo.
- Maglakbay o mag-explore ng mga bagong lugar.
5: Pagkakaroon ng mga Suporta sa Buhay
- Makipag-usap sa mga kaibigan o pamilya tungkol sa mga problema mo.
- Sumali sa mga grupo ng suporta o therapy.
- Hanapin ang mga propesyonal na tulong tulad ng mga counselor o psychologist.
6. Pag-eensayo ng mga Pamamaraan sa Pamamahala ng Oras
- Gumawa ng mga iskedyul at takdang oras para sa mga gawain.
- Itakda ang mga priyoridad at focus sa mga importante.
- Alisin ang mga hindi importante na gawain at mga distraksyon.
7. Pagkakaroon ng mga Aktibidad na Nakakapagpalakas ng Katawan at Isipan
- Mag-eensayo ng mga pisikal na aktibidad tulad ng pagtakbo o pagbisikleta.
- Gumawa ng mga aktibidad na nakakapagpalakas ng isipan tulad ng pagbabasa o paglutas ng mga puzzle.
8. Pagkakaroon ng mga Panahon ng Pagpahinga at Paglibang
- Gumawa ng mga panahon ng pagpapahinga at paglibang.
- Iwasan ang mga gawain na nakakapagod at nakakastress.
- Hanapin ang mga paraan para makapagpahinga at makapaglibang.
Abangan sa susunod nating post ang Testimonial Story ng isang taong dumanas ng profound stress at kung paano nya ito nalampasan.
Kung nagustuhan mo ito at sa palagay mo'y makakatulong sa bawat mambabasa, please like and share to spread para mas marami pa ang matulungan natin.🥰
"We are the women of the future."
12/08/2025
Ano ang PROFOUND STRESS?
Ang profound stress ay isang uri ng stress na nagdudulot ng malubhang epekto sa ating pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan. Ito ay nagaganap kapag ang ating katawan ay nakakaranas ng matinding presyon o tensyon sa loob ng mahabang panahon, o kaya ang isang tao ay dumanas ng isang emergency.
Mga Sintomas ng Profound Stress
1. Pagod at panghihina ng katawan
2. Hirap sa pagtulog o insomnia
3. Pagkawala ng gana sa pagkain
4. Pagtaas ng presyon ng dugo
5. Pagkabalisa at pagkataranta
6. Hirap sa pag-concentrate
Mga Epekto ng Profound Stress
1. Limbic Overload
2. Detachment
Ang mga epektong ito ay maaring magdulot ng pagkasira ng mga relasyon, pagkawala ng trabaho o pag-aaral, pagkasira ng kalusugan, pagkataranta at pagkabalisa.
Ang ating Limbic System ay nawawalan ng kakayahang tumanggap ng bagong impormasyon na nagreresulta ng pagkawala kakayahang unawain ang mga bagay-bagay.
Isa pang seryosong epekto ng profound stress ay ang Detachment kung saan, ang ating puso at isipan na dapat ay konektado sa isa't-isa ay sadyang nawawalan ng komunikasyon kapag ang isang tao ay profound stress. Kapag nangyari ito, maaring magkaroon ng hindi akmang tugon o reaction sa mga pangyayari na maari namang magdulot ng pagkasira ng relasyon.
Paano maiwasan o malampasan ang profound stress?
Please follow this page, PSS Session para sa mas marami pang kaalaman.
12/08/2025
What is PROFOUND STRESS?
Profound stress is a type of stress that causes severe effects on our physical, emotional, and mental health. It occurs when our body experiences intense pressure or tension for an extended period, or when a person experiences an emergency.
Symptoms of Profound Stress
- Fatigue and body weakness
- Difficulty sleeping or insomnia
- Loss of appetite
- Increased blood pressure
- Anxiety and panic
- Difficulty concentrating
Effects of Profound Stress
- Limbic Overload
- Detachment
These effects can lead to damaged relationships, loss of employment or studies, health deterioration, panic, and anxiety.
Our Limbic System loses its ability to receive new information, resulting in a loss of the ability to understand things.
Another serious effect of profound stress is Detachment, where our heart and mind, which should be connected to each other, lose communication when a person is under profound stress. When this happens, there may be inappropriate responses or reactions to events, which can damage relationships.
How to avoid or overcome profound stress?
Please follow this page for more learning.
The teacher is the architect of the child's future.
🧕🏻
25/07/2025
ATTUNEMENT and its PRINCIPLES
Tanong 1:
“Paano maisasagawa ang Psychosocial Approach kung si teacher mismo ay ‘Profound Stress’?”
Sagot:
“Unawain at isapuso ang Principles of Attunement.”
Tanong 2:
“Ano itong sinasabing Attunement at ang Principles nito?”
Sagot:
ATTUNEMENT (Pagkakaugnay ng Damdamin at Pag-unawa)
Ang attunement ay ang kakayahan ng g**o na makiramdam, makinig, at makiisa sa emosyon, pangangailangan, at karanasan ng bata. Ito ay nagbubunga ng mas makatao at mas sensitibong ugnayan sa pagitan ng g**o at mag-aaral, na mahalaga sa buo at makataong pag-unlad ng isang bata.
Kapag may attunement, nararamdaman ng bata na siya ay nauunawaan, tinatanggap, at pinahahalagahan — at ito ang pundasyon ng tiwala, seguridad, at bukas na pagkatuto.
Ang attunement ay parang pagsasayaw ng damdamin — ang g**o ay hindi lamang nagtuturo, kundi sumasabay sa emosyon at karanasan ng bata. Nakikita niya kung kailan tahimik pero may dinaramdam ang bata, kung kailan nangangailangan ng kaunting lambing, o kung kailan sapat na ang titig upang ipadama ang pag-unawa. Sa ganitong ugnayan, mas lumalalim ang koneksyon, at nagiging ligtas na lugar ang silid-aralan para sa pagkatuto. Dahil sa attunement, nagiging makatao ang edukasyon.
Sa simpleng wika, ang attunement ay ang kakayahan ng g**o na maramdaman at marinig hindi lang ang sinasabi ng bata, kundi pati ang hindi nito kayang sabihin. Sa ganitong paraan, mas nagiging makatao, mas may malasakit, at mas epektibo ang kanyang pagtuturo.
8 PRINCIPLES OF ATTUNEMENT
1. Pagpapakita ng Pagmamahal: Iparamdam sa bata na siya’y ligtas, mahalaga, at tanggap sa pamamagitan ng malalambing na kilos at salita, ngiti, paghalik sa noo, paghipo sa balikat, pagyakap at pagpapakita ng positibong pakiramdam. Minsan, sapat na ang isang ngiti o pag-akbay para masabing “Nandito lang ako.” Ngunit pinapaalalahanan ang pagsasagawa ng halik, hipo at yakap sa bata na maging maingat upang hindi maihahambing sa sensitibong gawain katulad ng harassment.
2. . Pagsunod sa Gawi ng Bata: Obserbahan at unawain ang interes ng bata. Sumabay sa kanyang laro o usapan. Kapag ginagalang natin ang kanyang mundo, mas nadarama niyang mahalaga siya.
3. Magkaroon ng Madamdaming Pag-uusap: Makinig ng may puso. Bigyang halaga ang damdamin ng bata, kahit simple lang ito sa paningin natin. Ang tunay na koneksyon ay nagsisimula sa malasakit.
4. Pagpupuri at Pagpapakita ng Pagtanggap: Purihin ang mabubuting asal, hindi lang ang resulta. Kapag pinapansin natin ang effort ng bata, lumalakas ang loob niyang magsikap pa.
5. Magkasamang Pagbibigay Tuon o Pansin: Mag-focus sa iisang bagay kasama ang bata—laro man ito, larawan, o kwento. Dito lumalago ang ugnayan at tiwala sa isa’t isa.
6. Pagpapangalan at Pagsasalarawan: Turuan ang bata na ipahayag ang kanyang damdamin at iniisip sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang salita at paglalarawan. Nakakatulong ito sa emotional development niya.
7. Pagpapalawig: Dagdagan pa ang ideya ng bata sa pamamagitan ng mga follow-up na tanong o karagdagang impormasyon. Sa ganitong paraan, lalawak ang kanyang pang-unawa.
8. Positibong Pangangasiwa: Gumamit ng mahinahon at positibong disiplina. Ituro ang tamang asal sa paraang nakakaunawa, hindi nakakatakot.
Ang attunement ay isang makataong paraan ng pagbuo ng koneksyon sa mga bata. Sa pagiging mulat, mapagmalasakit, at makinig nang buo, mas magiging makabuluhan ang ating pagtuturo.
May nabanggit sa unang tanong na salitang ‘Profound Stress’. Pag-uusapan naman po natin ito sa susunod na post. Tunghayan po natin.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Adaon
Talayan
9612
Opening Hours
| 9am - 5pm |