K5 COOP
Sa pagdiriwang ng ika-22 anibersaryo ng K5 MPC, buong pagmamalaki at pasasalamat nating ginugunita ang mahigit dalawang dekada ng sama-samang pagsisikap, pagtutulungan, at malasakit bilang isang kooperatiba. Mula sa ating simpleng simula, unti-unti nating naitaguyod ang isang matatag na samahan na nakatuon sa kapakanan ng bawat kamay-ari at sa pag-unlad ng ating komunidad.
Sa loob ng dalawampu’t dalawang taon, pinatunayan ng K5 MPC na ang tunay na lakas ng isang kooperatiba ay nagmumula sa pagkakaisa, tiwala, at aktibong pakikilahok ng bawat miyembro. Sa bawat puhunan, serbisyo, at programang ating inilunsad, dala natin ang adhikaing mapaangat ang kabuhayan at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang bawat isa.
Hindi naging madali ang ating paglalakbay—maraming pagsubok at hamon ang ating nalagpasan. Ngunit sa tulong ng ating sama-samang dedikasyon, patuloy tayong tumatayo nang matatag at nagiging inspirasyon sa bawat Kamay-ari at komunidad.
Sa pag-abot natin ng ika-22 taon, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang ating mga tagumpay kundi pati na rin ang matibay na pundasyon ng ating samahan—ang diwa ng kooperasyon, malasakit, at pagkakapantay-pantay. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating paigtingin ang ating serbisyo, palawakin ang ating mga programa, at patuloy na magbigay ng oportunidad sa bawat kamay-ari.
Maligayang ika-22 anibersaryo, K5 MPC! Sama-sama tayong magpatuloy sa landas ng pag-unlad, pagkakaisa, at tagumpay. Para sa kooperatiba, para sa miyembro, para sa kinabukasan! Mabuhay ang K5 MPC!
📢 **ANNOUNCEMENT** 📢
Sto. Domingo Branch
**May Stock na po ang Kadiwa Rice P20**
PAALALA!
Sa mga Nagpapasabay po sa pagbili ng ating bigas na P20 nag lilimita na po tayo sa dalawang(2) ID kada Tao , Maximum 10kg per ID ayon po ito sa mandato ng DA-AMAD.
Maraming Salamat po sa pag intindi
Magandang Araw!, Dumating na po ang stock ng ating Kadiwa Rice P20 ngayon.
Pwede na po tayo pumunta sa K5 MPC Sto Domingo branch (Ilog Baliwag , Sto. Rosario Sto. Domingo Nueva Ecija ) every weekdays from 8:30am to 5:00pm na magsisimula sa Wednesday , April 29, 2026 at bumili ng ating P20 na Rice.
Makakabili din po Tayo Ng mga basic goods gaya Ng gulay, groceries at iba pa.
Note:
Ang atin pong P20 na Bigas ay para lamang po sa mga sumusunod:
- Senior Citizen
- PWD
- 4P’s
- Solo Parent
Magdala lamang po tayo ng ID card at ipresent po ito sa ating branch upang ma assist po tayo
Maraming Salamat po sa patuloy na suporta!
———————————————————————————
For inquiries and other concerns, please go to your branch of account or call our Member Assistance Center at (044) 940-5976.
K5 MPC is regulated by the Cooperative Development Authority (CDA) with email address [email protected] and telephone (02) 8725-3764number
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Maestrang Kikay
Talavera
3100-3133