Pinoy Trending
10/07/2026
COMELEC INANUNSYO NA WALANG ELECTION OFFENSE SI SEN. MARCOLETA
Inanunsyo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na wala silang nakitang election offense sa pagtanggap umano ni Senador Rodante Marcoleta ng P75-M na campaign donation.
Paliwanag ni Garcia, hindi maituturing na paglabag sa kasalukuyang election law ang mga akusasyon laban kay Marcoleta.
Binanggit din ni Garcia na nakalagay sa 1985 Omnibus Election Code na matindi ang parusa sa mga hindi paghahain ng campaign contributions ngunit nabago ito noong ipasa ang Synchronized Election Law noong 1991 kung saan ay ginawa na lamang na multa na P2,000 hanggang P20,000 ang parusa nito.
“How can you prosecute if that is no longer punishable? We have to dismiss the case,” ani Garcia.
Ngunit iba umano ang sitwasyon ng mga umano'y nagbigay ng donasyon kay Marcoleta kung totoong hindi nila ito idineklara.
“Iyong mga donors pa rin, if they will not report, they’re liable,” aniya.
Matatandaang humaharap ngayon sa kasong plunder si Marcoleta matapos itong sampahan ng reklamo ng Office of the Ombudsman dahil sa nasabing donasyon.
09/07/2026
DIREKTOR, SINABING WALANG EPEKTO ANG GINAGAWA NG PROSECUTION
Naniniwala ang direktor na si Darryl Yap na walang epekto ang ginagawang pangungumbinsi ng House Prosecution Panel sa publiko na totoo ang mga akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Yap, tanging ang maalala lamang umano ng publiko sa unang linggo ng impeachment ay ang sipon, laway, at iba pang mga nangyari sa House Prosecution.
"Kung anu-ano pang pagtatanggol ang ginagawa ng mga pinks sa banat ng abogado nila about photocopy. HAHAHA! Todo-apula sila, kasi nalunod sila sa reaksyon ng publiko at ANG REAKSYON NG PUBLIKO ANG PINAKAMAHALAGA SA KANILA," ani Yap.
"Ang nangyayari, silang mga gustong manira ang nasisira, silang may pinagtatakpan ang nailalantad," dagdag pa niya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Banaba Road
Taguig