Filipinas Next Message

Filipinas Next Message

Share

09/06/2026

Panginoong Hesus, protektahan Mo kami. Amen.

09/06/2026

EL NIÑO, NAGSIMULA NA; POSIBLENG
TUMAGAL HANGGANG 2027 — PAGASA

Kasalukuyan nang umiiral ang El Niño sa tropical Pacific matapos maabot ng relative sea surface temperature anomaly (rSSTA) ang +0.5 degrees Celsius na threshold, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng PAGASA ngayong Martes, Hunyo 9, na may mahigit 80 porsiyentong tiyansa na lalo pang lumakas ang El Niño, na posibleng tumagal hanggang sa unang mga buwan ng 2027.

Ang El Niño ay ang pagbaba ng dami ng ulan sa maraming bahagi ng bansa, na maaaring magdulot ng dry spell at tagtuyot.

Samantala, maaari pa ring makaranas ng mas madalas at mas malakas na pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Pilipinas sa panahon ng habagat.

09/06/2026

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jacky," biyuda, at vendor mula sa Barangay Ermita, Cebu City.

Ayon sa report, inamin umano ng ginang na gumagamit siya ng sh4bu at ang nakumpiska mula sa kanya ay para lamang umano sa kanyang sariling konsumo. Nakalimutan umano ng ginang na nakasuksok iyon sa kanyang bra nang pumasok siya sa pasilidad.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

09/06/2026

Nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., iisa lamang ang upper chamber ng bansa, ang Senado ng Pilipinas na kasalukuyang pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Pahayag ito bilang tugon sa naging komento ni Sen. Alan Peter Cayetano na mayroong umano’y “dalawang Senado” sa kasalukuyan: ang Senate of the Philippines at ang tinawag niyang “Senate of Malacañang.”

09/06/2026

“Nananawagan tayo sa lahat ng LGUs, emergency responders, volunteers at mga lider ng komunidad na tiyaking ligtas ang ating mga kababayan at maayos ang pagresponde sa anumang pangangailangan sa mga apektadong lugar,” apela ni House Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III kasunod ng magnitude 7.8 na pagyanig sa Sarangani kahapon, Hunyo 9.

Ayon kay Dy, ang Kamara de Representantes “stands in solidarity with our brothers and sisters in Mindanao.”

Nagpahayag din ang House leader ng kahandaan na agarang tumulong sa mga apektado ng lindol: “We are prepared to support all necessary efforts to help affected communities recover and rebuild.”

Want your business to be the top-listed Media Company in Taguig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


35th Avenue, Bonifacio Global City
Taguig
1643