Untold thoughts

Untold thoughts

Share

30/05/2026

Imagine nasa bahay ka lang, tahimik, walang problema, pero may isang lalaking niligawan ka, pinakasalan ka, binahay ka, inanakan ka,
tapos ngayon, kaya ka na niyang saktan physically after all ng mga sakripisyong ginawa mo para sa kanya.
Nagbuntis ka.
Nanganak ka kahit halos 50/50 ang chance mong mabuhay. Nagpalaki ka ng anak, napabayaan mo na sarili mo, nalosyang ka kakapagod at kakaisip sa budget araw-araw, tapos ang kapalit lang pala ng lahat ng pagod at pagmamahal mo, pananakit pa physically, mentally at emotionally.🥺
Walang babaeng deserve maranasan ‘yan.

(C)

29/05/2026

Can you guys stop normalizing and saying ‘ganyan talaga ang papel ng nanay’? Like hello? So anong papel ng lalaki? Mag-provide lang? Bumuo lang ng bata tapos okay na? Bakit kapag nanay expected maging available 24/7 emotionally, mentally, at physically, pero kapag tatay gumawa ng basic parenting pinupuri agad as ‘good father’? Parenting should never feel like a one woman job.

Motherhood is already hard enough. Kaya sana tigilan na yung mindset na ‘ganyan talaga ang nanay.’ Hindi porket nanay ka ibig sabihin ikaw nalang lagi mag-aadjust, magpapakapuyat, magsasakripisyo, at uubos sa sarili. Children need responsible fathers too, not just selfless mothers.

Hindi ako galit sa pagiging nanay. Ang nakakagalit yung sistema na ginagawang normal na lahat ng responsibility bagsak sa babae. Kapag pagod ang nanay sasabihin ‘normal lang yan.’ Kapag absent ang tatay, tahimik lang ang lahat. Bakit parang mas mataas pa standards sa nanay kaysa sa tatay?

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Taguig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Taguig