Topspeed
20/01/2026
Ang Status ng Motorcycle Pipes sa Pilipinas 2026 📃
Narito ang mahahalagang update na dapat mong malaman para hindi ka ma abala sa kalsada:
​1.ang Nationwide Crackdown Enero 2026,
​Nitong mga unang linggo lang ng 2026 ay nag-utos si Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa lahat ng Regional Offices at sa Highway Patrol Group o HPG na paigtingin ang kampanya laban sa "open pipes" at "illegally modified mufflers."
​Public Order Issue: Hindi na lang ito tinitingnan bilang simpleng traffic violation. Itinuturing na din ito ng PNP bilang public safety and public order concern dahil sa ingay na nakakaabala sa mga komunidad, ospital, at paaralan.
​Uniform Enforcement: Gusto ng PNP na maging pare-pareho ang huli sa buong Pilipinas para maiwasan ang "selective enforcement" o yung sa ibang lugar lang ang mahigpit.
​2. Oplan Sita: at Kumpiskasyon
​Nitong nakaraang New Year 2026 at nitong nakalipas na mga araw, naging aktibo ang PNP lalo na sa NCR at Bulacan sa pagkumpiska ng mga maingay na tambutso.
​Sa Bulacan at Davao City, libo-libong "bora-bora" o modified mufflers ang winasak ng pulisya gamit ang pison para ipakita na seryoso sila sa kampanya.
​3. Ang 95-99 Decibel Rule:
​Bagama't may mga mungkahi na ibaba ito sa 70-85 dB tulad ng mga nakabinbing bill sa Senado ang kasalukuyang standard na sinusunod sa checkpoints ay:
​99 dB (LTO): Ito ang standard limit sa ilalim ng RA 4136.
​95 dB: Maraming rider groups ang nagpapayo na manatili sa level na ito para sigurado, lalo na't may mga local ordinances (tulad ng sa Bulacan at QC) na pwedeng mas mahigpit.
​4. Modified vs. Aftermarket
​Nilinaw ng PNP na hindi ito "anti-rider" policy.
​Bawal: Yung mga tinanggalan ng silencer (open pipe), kinalkal (modified), o yung mga hamog na tambutso na sadyang nakakabulabog.
​Pwede: Ang aftermarket pipes ay pinapayagan basta't hindi lalampas sa ingay na itinakda ng batas at may maayos na silencer o DB killer.
​Tip para sa mga Riders:
Para makaiwas sa huli, siguraduhing laging nakakabit ang DB Killer ng iyong aftermarket pipe. Kung ang motor mo naman ay sadyang maingay kahit stock, mas mabuting magpa-check sa LTO para sa tamang measurement.
Mga iba pang mahalagang information:
1. Ang "Noise Level" Limit (LTO Standard)
​Ayon sa Land Transportation Office (LTO) at sa Republic Act No. 4136, ang pangunahing basehan ay ang lakas ng tunog.
​Ang limitasyon ay karaniwang nasa 99 decibels (dB) para sa mga motor.
​Sinusukat ito sa layong 0.5 meters mula sa tambutso habang ang makina ay nasa kalahati ng maximum RPM nito.
​Kung ang iyong aftermarket pipe ay lumampas sa 99 dB, ito ay maituturing na paglabag.
​2. LTO Memorandum (Administrative Order No. HPG-2014-001)
​Nilinaw ng LTO na pinapayagan ang pagpapalit ng tambutso basta't:
​Mayroon itong silencer.
​Hindi ito nakakaapekto sa safety ng sasakyan.
​Hindi ito naglalabas ng sobrang usok (anti-smoke belching).
​Bakit Marami pa ring Nahuhuli?
​Kahit na may 99 dB limit ang LTO, narito ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kalituhan:
​Local Ordinances: Maraming Lungsod o Munisipyo (tulad ng Quezon City, Manila, atbp.) ang may sariling "Anti-Muffler Ordinance." Madalas, mas mahigpit ang mga ito kaysa sa LTO. May mga LGUs na bawal ang anumang modipikasyon na nagpapalakas ng tunog ng motor, lalo na sa mga residential areas.
​Subjective Judgment: Kung walang dalang decibel meter ang enforcer, madalas ay "pandinig" lang ang basehan, na nagiging sanhi ng diskusyon.
​Deposition of Pipes: May mga pagkakataon (lalo na sa operasyon ng PNP-HPG) na kinukumpiska o sinisira ang mga maiingay na tambutso kung mapatunayang labag ito sa batas ng ingay.
-------------------------------------------------------------------------------------
Update para sa 2025-2026: Uri ng Tambutso Status Kondisyon
Stock Muffler: ay Legal at Pinakaligtas sa huli.
Aftermarket Pipe: Legal pero Dapat hindi lalampas sa 99 dB at may maayos na silencer.
Open Muffler: ito ay Madalas Illegal Dahil wala itong silencer, madali itong lumampas sa noise limit.
Straight Pipe: ito ay Illegal Walang baffle o silencer, awtomatikong maingay at labag sa emission standards.
Mahalagang Paalala:
Kung balak mong mag-aftermarket pipe, siguraduhing brand name at may kasamang DB Killer (Silencer). Iwasan ang mga "loud and proud" na pipes kung ayaw mong maabala sa checkpoint o ma-impound ang motor.
15/09/2025
Legendary bike
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Taguig
21/04/2025