Lakay Pilipinas
Ang Walong (8) mga MALING GAWAIN na NAGPAPAHIRAP sa ATIN.
Lakay Pilipinas
20/05/2022
Hindi ang iniisip ng ibang tao ang mag-aangat sa iyo sa buhay, kundi ang paraan ng iyong pag-iiisip sa iyong sarili.
Hindi rin ang iniisip ng ibang tao ang magpapabagsak sa'yo sa buhay, kundi ang paraan ng iyong pag-iisip sa iyong sarili.
Tama ka! HINDI IMPORTANTE at sa TOTOO LANG ay WALANG HALAGA ang INIISIP ng ibang tao laban sa'yo!
Tandaan:
"HINDI NABABAWASAN ang HALAGA ng IYONG PAGKATAO base sa INIISIP ng IBANG TAO na Walang Kakayanan na Makita ang Iyong Kahalagahan!"
Kung kaya... simula ngayun, ipangako sa'yong sarili na:
HUWAG ng PATULAN ang ANUMANG NEGATIBONG KOMENTO na iyong nadidinig patungkol sa iyo na mula sa mga labi ng mga negatibong tao!
Hindi mo ikauunlad ito.
At kung iyong papatulan, ang iyong oras, ay tiyak na masasayang lamang!
Ang mga negatibong salita na nagmumula sa kanila ay repleksyon ng kanilang pagkatao- hindi sa'yo!
The Best Thing that You Can Do is to simply SMILE at them, and IGNORE! Sapagkat MAS KILALA MO ANG IYONG SARILI!
After all...
WE ARE ALL CREATED IN THE IMAGE AND LIKENESS OF GOD! (Genesis 1:27)
IKAW ay REPLEKSYON ng MABUTING DIYOS, kaya hindi mo maitatanggi na IKAW ay MABUTING NILALANG ng MABUTING DIYOS!
IKAW ay REPLEKSYON ng MAPAGMAHAL na DIYOS, kaya hindi mo maitatanggi na IKAW ay MAPAGMAHAL na NILALANG ng MAPAGMAHAL na DIYOS!
YOU ARE BEAUTIFUL JUST THE WAY YOU ARE!
14/05/2022
"Hindi mo mauunawaan ang ibig sabihin ng isang pagiging magulang hanggang hindi mo ito nararanasan!"
Yan ang palaging namumutawi sa labi ng aking nanay at tatay sa tuwing ako ay kanilang pinapangaralan. Ang dating sa akin dati nyan ay "weird" hindi nagsi-sink in, parang wala lang at talagang wala akong pakialam. Malay ko ba dyan, basta ako masaya ako ngayun, enjoy enjoy lang!
Ganito ang aking kaisipan nuong bata pa ako at palagay ko ito'y normal naman. Ang sermon ng aking nanay at tatay na paulit-ulit at parang sirang plaka ay isang palang paghahanda sa akin sa pagtatayo ng isang maayos na pamilya.
Maraming mga pagkakataon na tayong mga anak, hindi natin lubos na maunawaan kung ano ang mga sakripisyo, diskarte, sakit, pait, saya at ligaya na pinagdaanan at pinagdadaanan ng ating mga ama at ina, hanggang sa dumating na tayo naman ang nasa kinalalagyan nila.
At DITO NATIN MAS LUBOS na MAUUNAWAAN NA ANG PAGIGING MAGULANG AY ISANG SAGRADONG MISYON PALA!
ANG LAHAT NG MAYRUON KA AY HANDA MONG IBIGAY PARA SA IKABUBUTI NG IYONG MGA ANAK!
Kaya pala may mga magulang na talagang makikipagbakbakan at talagang:
IPAGLALABAN ang kanilang mga ANAK sa anumang PANGUNGUTYA ng IBA.
POPROTEKTAHAN ang kanilang mga ANAK at TITIISIN ang SAKIT MAILAYO lang ang mga ito sa PANGANIB!
Mama/Papa, Mommy/Daddy, Nanay/Tatay MARAMING SALAMAT SA INYO. Hindi mahalaga kung kayo man sa amin ay nagkulang at hindi naging perpekto.
Ang mga nagawa ninyo ay sapat na, in fact, sobra-sobra pa nga!
Ang tanging nais ninyo lamang ay mahulma kami sa isang buhay na matuwid at tama.
Palagi ninyo sanang tatandaan, napakalaking utang na loob namin sa inyo. Kulang ang isang buong araw para mapasalamatan namin kayo! Hindi sapat ang kahit anong mahal na regalo upang mapantayan ang lahat lahat ng inyong pagmamalasakit, pagtitiyaga at sakripisyo.
MAHAL NAMING MGA MAGULANG, WALANG MAKAKAPANTAY SA ALAY NA PAGMAMAHAL NINYO!
Ngayung kami naman ang nasa lugar ninyo, MAS LALO NAMIN NAUNAWAAN KUNG GAAANO KAWAGAS AT KADALISAY ANG PAGMAMAHAL NINYO!
Sana mapantayan din namin o mahigitan pa itong pag-ibig na ito habang pinapalaki namin ang inyong mga apo.
Patuloy ninyo kaming ipagdasal at gayundin kami sa inyo.
KUMPLETO AT BUO KAMI NG DAHIL SA INYO!
Mahal na mahal po namin kayo! ❤️❤️❤️
Lakay Pilipinas
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Unit 1203, 12F MDI Corporate Center, 10th Avenue, Cor, 39th Street, BGC, Taguig City
Taguig
1634