Project Life

Project Life

Share

18/04/2026

I create a guide for woman who are one step away to start online hustle.
type "✋️" if u want free copy.

17/04/2026

May pahawak pa sa braso ng partner mo? May karapatan ka ba?

17/04/2026

Napansin mo ba to…

Yung mga bagay na iniirita ka ngayon…

yun din yung mga bagay na minsan
pinagdasal mo.

Yung trabaho mo?

Dati… tuwang tuwa ka nung natanggap ka.
“Finally, may work na rin ako.”

Ngayon?

Pagod. Stress. Gusto mo na umalis.

Yung sasakyan mo?

Dati… pangarap mo lang.
Iniimagine mo pa sarili mo habang nagmamaneho.

Ngayon?

Trapik. Gas. Maintenance. Sakit sa ulo.

Yung relasyon mo?

Dati… hindi ka makatulog kakaisip sa kanya.
Excited ka sa bawat chat, bawat kita.

Ngayon?

Konting kibot, away.
Konting salita, mali.

Kahit yung mga anak mo…

Dati… pinapangarap mo lang magkaroon.
Ngayon… pagod ka na minsan.

Hindi ito para sabihing mali ka.

Normal yan.

Napapagod ka.
Naiinis ka.
Nauubos ka.

Pero minsan kasi…

hindi natin napapansin...

hindi nagbago yung bagay…

tayo yung nagbago sa paraan ng pagtingin.

Nasaan na yung version mo
na sobrang saya nung nakuha mo yan?

Nasaan na yung gratitude?

Kasi habang busy kang iniisip
kung ano yung kulang…

nakakalimutan mo na
kung ano yung meron ka.

At eto yung hindi mo inaasahan…

Hindi mo kailangan mawalan
para ma-appreciate ulit.

Pero kung magtutuloy-tuloy ka sa ganitong mindset…

baka yun mismo ang mangyari.

Kaya bago ka matulog mamaya…

Magtimpla ka ng kape...đź«  tignan mo lahat ng kinaiinisan mo...

tapos tanungin mo sarili mo...

Kung mawala lahat ng kinaiinisan mo ngayon…
alin dun yung hahanapin mo bukas?

17/04/2026

Sa sobrang obvious hindi na siya obvious.

16/04/2026

May kilala akong babae…

Hindi niya maiwan yung relasyon niya.

Hindi dahil masaya siya.
Hindi dahil tinatrato siya ng tama.

Kundi dahil…

umaasa siya sa version ng lalaki na gusto niyang mangyari.

Yung lalaking sweet… minsan lang lumabas.
Yung lalaking responsable… pag may kailangan lang.
Yung lalaking “nagbabago”… pag nahuhuli.

Pero sa utak niya...

“Ganito talaga siya eh… may potential naman.”
“Pag nagbago siya, magiging okay kami.”
“Mahal niya ako… hindi lang marunong magpakita.”

Kaya kahit paulit-ulit siyang nasasaktan…

hindi niya tinitignan kung ano yung ginagawa sa kanya ngayon.

Ang tinitignan niya…

yung posibleng maging.

Hanggang sa umabot sa point na…

hindi na niya alam kung alin yung totoo.

Yung nararamdaman niya?
O yung pinaniniwalaan niyang pwedeng mangyari?

Kasi minsan…

hindi tayo naloloko dahil tanga tayo.

Naloloko tayo…

kasi pinipili nating paniwalaan yung gusto nating makita.

Kaya eto yung linya na minsan masakit tanggapin...

“You won’t see it for what it is…
until you stop looking at it through the lens of what you want it to be.”

Basahin mo ulit.

Hindi mo makikita yung totoo…

hangga’t pinipilit mong gawing maganda
yung hindi naman talaga maganda.

Kaya ang tanong hindi

“Mahal ba niya ako?”

Ang tanong…

Kung tanggalin mo lahat ng dahilan, lahat ng excuses, lahat ng “baka magbago”…

gusto mo pa ba yung trato niya sayo ngayon?

Kasi minsan…

hindi ka na naiiwan.

Ikaw na yung kumakapit… sa bagay na matagal nang bumitaw.

Want your business to be the top-listed Media Company in Taguig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Taguig
1630