TCC Quill

TCC Quill

Share

03/06/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ

Dalawang simpleng kataga, ngunit para sa marami, isa itong kalayaang matagal na ipinagkait at patuloy na ipinaglalaban.

Sa mundong madalas magtakda ng hangganan kung sino ang karapat-dapat mahalin at kung paano dapat ipahayag ang pagmamahal, ang malayang pagmamahal ay nagiging isang tahimik ngunit makapangyarihang anyo ng paglayaโ€”paglaya mula sa takot, panghuhusga, at mga pamantayang nagkukulong sa tunay na pagkatao.

Ang magmahal nang malaya ay hindi lamang tungkol sa pagpili ng taong mamahalin, kundi higit sa lahat, ito ay ang tapang na yakapin ang sarili, igalang ang sariling identidad, at mamuhay nang tapat sa katotohanan ng sariling pusoโ€”kahit sa gitna ng hindi pagkakaunawaan at pagtutol ng iba.

Ngayong Pride Month, ipinapaalala sa atin na ang pagmamahal ay hindi dapat sinusukat, nililimitahan, o pinagkakaitan. Sapagkat sa isang mundong may puwang para sa lahat, ang bawat isa ay may karapatang magmahal at mahalin nang malayaโ€”dahil ang pag-ibig ay hindi kailanman isang pribilehiyo lamang ng iilan, kundi ito ay karapatan ng lahat.

Salita ni Hanna Baylin
Likha ni Cashzandra Gumba at Dexter Siao

Want your business to be the top-listed Media Company in Tagoloan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Tagoloan
9001

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm