ALS Datu Paglas North
Assalamualaikum sa gusto Po mg-aral Ng ALS Alternative Learning System ay on going na Po Ang enrollment 2024-2025.
13/09/2022
am proud to be an ALS Teacher .
"ALS Lang"
Ito ang madalas nilang sinasabi...
Ang ALS po ay isang programa na kaakibat ng pormal na edukasyon upang matugunan ang serbisyong pang edukasyon ng wala sa loob ng paaralan. Konti lang ang workforce ngunit kaakibat nito ang isang napakalaking responsibilidad na hikayatin ang mga ayaw ng mag-aral upang bigyan ng pangalawang pagkakataon na abutin ang kanilang pangarap.
Hindi po madali ang pagkukumbinsi...Hindi po madali ang pumunta sa isang barangay na di mo alam kung ano ang dadatnan... hindi po madali na makipag-usap sa mga barangay officials upang suportahan ang programa...hindi po madali na maghanap ng mga potential learners sa gitna ng init at ulan...hindi po madali na denededma o tinatawanan habang dumadaan... hindi po madali na umakyat ng bundok o sumakay ng bangka na galing sa iyong bulsa ang pamasahe... kaya hindi po "ALS Lang" .
Merong pagkakataon na nagkakasabay-sabay na tinuturuan ang elementarya at Junior High School sa isang Learning Center, sabayan mo pa ng Basic Literacy Learner ( sila ung mga children, youth o adult na hindi pa gaanong marunong magbilang, magbasa at magsulat). Minsan wala pang magamit na Learning Center sa barangay kasi kasabay nyang gumagamit ang ibang ahensya ng pamahalaan... wala pong MOOE ... pinagkakasya kung ano ang abot ng makakaya... kaya kaibigan Huwag "ALS Lang" ...
.. Maraming tahimik lang na minsa'y di napapahalagahan... maraming nagtatarabaho na di kailangan ng parangal, ng medalya, huwag mabahala kaibigan... isa kang huwaran... alam ng nasa itaas kung ano ang iyong ginagawa.. kahit di bantayan kasi nasa puso ang pagsisilbi... alam naman NYA na ika'y gumagawa ng kabutihan ... kaya huwag "ALS Lang" .. .ang ALS na ito ay marami ng binagong buhay ... marami ng tagumpay... ito ang dapat pakatandaan... taas noo... isa kang bayani G**o ng ALS... Mabuhay ka! ❤️💚💙
13/09/2022
para sa ALS bangsamoro lerners
💪💪💪
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Datu Paglas North
Tacurong
9617