NSAP BICOL

NSAP BICOL

Share

Photos from BFAR Bikol's post 17/07/2026

BASAHIN | Idinaos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region V (BFAR 5), bilang lead region ng Fisheries Management Area No. 7 (FMA 7), ang FMA 7 Management Body 2nd Quarter Meeting noong Hulyo 8, 2026 sa Barugo, Leyte.

Lumahok sa pagpupulong ang mga miyembro ng FMA 7 Management Body mula sa iba't ibang sektor, kasama ang mga kinatawan ng BFAR Regional Offices V at VIII, mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Barugo, gayundin ang mga kinatawan ng Municipal Agriculture Office (MAO), Bantay Dagat, mga mangingisda, at iba pang stakeholder mula sa sektor ng pangisdaan.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni FMA 7 MB Co-Chairperson at Municipal Mayor ng Barugo, Leyte na si Honorable Aron C. Balais.

Sa talakayan, ipinresenta ng NSAP 5 ang resulta ng isang taong pag-aaral sa reproductive biology ng Sardinella lemuru sa FMA 7 Bicol Side, gayundin ang kasalukuyang kalagayan ng iba pang dominanteng species ng isda sa FMA 7. Tinalakay rin ang comparative assessment ng iba't ibang mesh size na ginagamit sa paghuli ng Sardinella lemuru, mga plano at programa ng LGU Barugo para sa konserbasyon at pamamahala ng FMA 7, deployment ng mga enumerator para sa Fishing Boat and Gear Inventory sa loob ng FMA 7, paunang resulta ng Stakeholders' Consultation sa panukalang Fisheries Administrative Order (FAO), at ang FMA 7 Midyear Accomplishment Report para sa taong 2026.

Nagsilbi ang pagpupulong bilang pagkakataon upang maibahagi ang mahahalagang datos at mga update, mapalakas ang koordinasyon ng BFAR at mga katuwang na ahensya, at makabuo ng mga angkop na hakbang para sa pangangalaga at pamamahala ng yamang-dagat sa FMA 7.
✍️ Maria Louisa Carlet

Want your organization to be the top-listed Government Service in Tabaco?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Tabaco

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm