Subic Ay Mahal ko

Subic Ay Mahal ko

Share

Photos from Janjo Khonghun's post 13/03/2026
13/03/2026

BAYAN NG CASTILLEJOS, IPAGDIRIWANG ANG WOMEN'S MONTH SA MARSO 16

Kaugnay ng pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang “WE: Gender Equality and Inclusive Society” at sub-theme na, “Lead like Babaylans, Filipinas!”, ang LGU Castillejos ay magsasagawa ng iba't ibang programa at aktibidad na naglalayong itaguyod ang women's empowerment.

Ganundin para kilalanin ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa ating komunidad.

Sa Marso 16, 2026, isang Fun Walk ang gaganapin alas-6 ng umaga, simula sa Fiesta Communities – Del Pilar at magtatapos sa Municipal Park ng Castillejos.

Ang aktibidad ay susundan ng Zumba exercises sa Municipal Park. At paghahandog ng Caravan of Services o Serbisyo para sa Kababaihan.

Ang Caravan of Services ay magsisimula 9:00 AM hanggang 1:00 PM, na nag-aalok ng mga sumusunod na serbisyo sa publiko:

• Libreng Legal na Konsultasyon
• Libreng Manikyure / Pedikyure
• Libreng Gupit
• Libreng Masahe
• PSA SECPA Services
• PSA PhilSys Registration
• Serbisyo ng Local Civil Registrar
• COMELEC Registration
• KADIWA ng Pangulo

Hinihikayat ni Mayor Jeffrey Khonghun ang lahat na makiisa at suportahan ang makabuluhang pagdiriwang na ito na nagbibigay-pugay sa lakas, liderato, at kontribisyon ng mga Filipina sa ating lipunan.

Ulat ni Juan Deveraturda

Source : Jan Tristan Jan Garcia/Castillejos News

Photos from Jun Rundstedt "Rundy" Ebdane's post 13/03/2026
Photos from Zambales for the People's post 10/03/2026
07/03/2026

Ang pagbibigay ng expired na gamot sa medical mission ay isang iresponsableng gawain at maaaring maglagay sa panganib sa kalusugan ng mga pasyente. Ito ay maaari ring ituring na paglabag sa pamantayan ng serbisyong medikal at sa mga regulasyon ng Food and Drug Administration Philippines.

⚠️ Babala: Ang pamamahagi ng expired na gamot ay unethical, unprofessional, at maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan ng mga taong dapat sana’y tinutulungan.

Ang medical mission ay para magpagaling—hindi para maglagay sa panganib sa buhay ng ating mga kababayan. 🩺💊

23/02/2026

Mga panukala ni MotherShe kapag nahalal sya sa mas mataas na posisyon! ang sarap sa tenga, ang ganda pakinggan. Pero ang tanong: paano? Sa dami ng pinapangako, parang sigurado na agad. Sa sistema ng gobyerno, hindi sapat ang bira nang bira. Kailangan pinag-aaralan, pinaplano, at may malinaw na implementasyon. Maraming pag daraanan na proseso.

Pero Papano? Kung sa Sangguniang usapin pa nga lang ay kailangan pa nya ng tagapaliwanag at hirap sya, paano pa sa mas mataas na responsibilidad? Lider ang kailangan, hindi estudyanteng laging may taga-explain.

EDITORYAL NI KA-BANDERA JOJO PEREZ

LIBRENG BUSINESS PERMIT , ISANG PANGLOLOKO SA PUBLIKO

Ang ipinapangalandakan na gawing libre ang business permit ay isang publicity stunt.

Isang napaka iresponsbaleng pahayag.

Tama na ang pagpapanggap.

Tigilan na natin ang pagpapalabok ng mata sa publiko.

Sa unang tingin, mukhang pro-negosyo subalit sa masusing pagsusuri ay isa itong mapanganib na ilusyon na maaaring magpahina sa pundasyon ng lokal na pamahalaan.

Para na rin nilang sinasabing mabubuhay ang tao kahit walang dugong dumadaloy sa kanyang katawan.

Ang business permit ay hindi simpleng bayarin na puwedeng ipagwalang bahala at ipapangako mo para mangampanya.

Ito ay bahagi ng sistemang nagpapatakbo sa isang bayan.

Sa ilalim ng Local Government Code of 1991, malinaw na ang mga LGU ay binigyan ng kapangyarihang lumikha ng sariling kita upang hindi maging palaasa sa national government.

Ang kita mula sa permit ay ginagamit para sa serbisyong direkta na pinakikinabangan ng mga negosyante, ng tao, para sa seguridad,
kalinisan, kalsada at iba pa.

Ang kapangyarihang ito ay hindi dapat isugal kapalit ng pagpapasikat.

Kung gagawing libre ito, maliwanag pa sa sikat ng araw ang masamang epekto nito dahil babagsak ang koleksyon at liliit ang pondo.

Saan kukunin ang pambayad sa health center?

Sa suweldo ng mga kawani?

Huwag nating gawing charity drive ang lokal na pamahalaan.

Hindi maaaring puro pagpapaganda at pagpapabango ng pangalan.

Sakaling maging libre ang business permit maaari itong magbukas ng pinto sa negosyong hindi naman seryoso at sa kalaunan ay magbubunga ng pabor at palakasan sa sistema

Huwag na tayong maglokohan.

Ang panukalang gawing libre ang business permit ay tahasang pamumulitika.

Nakabalot sa matatamis na salita ngunit may mapait na kapalit.

Ang sinumang nagsusulong nito nang walang malinaw at konkretong plano kung paano papalitan ang mawawalang kita ay hindi naglilingkod kundi naglalaro.

Pinaglalaruan ang pondo ng bayan, ang mga suweldo ng mga kawani, ang mga gamot sa health center, at ang mga proyektong dapat sanay babalik
sa taong bayan.

Palagi natin tatandaan na ang pagiging libre ay hindi palaging makabubuti.

Ang pamahalaan ay hindi entablado para makapag pakitang gilas.

Ito ay isang pamahalaan na dapat matatag, may prinsipyo at higit sa lahat ay mayroon pananagutan.

Kaya naman huwag nyong niloloko ang publiko ( Jojo Perez)

15/02/2026

Ayun lang, pangakong na palo 🤣

Photos from Janjo Khonghun's post 15/02/2026

My alumini ❤️

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Subic?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Subic
2209