Draft Kween Stories
27/08/2025
Ano kaya ‘to? Pero wuuyy, umaasa pa rin talaga ako kina Jacob at Renesmee. Umabot na ko sa point na ginawan ko sila ng story HAHAHAHA! Ako na lang nagtuloy ng imagination ko. LOL Sorry naaa, crush na crush ko kasi yung character ni Taylor Lautner as Jacob Black eh.
Tomorrow... ✨
24/08/2025
THE LAST CAREGIVER
written by Jiara Dy
CHAPTER 2
Disclaimer:
This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this story may be copied, reposted, distributed, or reproduced in any form or by any means without the author’s explicit permission.
KATATAPOS lang kumain ng magkakapatid kaya sinimulan na nila ang paglilibot sa paligid. Tanging sina Mika at Ralph lamang ang naiwan sa loob ng bahay para ayusin ang kanilang mga gamit. Nasa attic ang kwarto ni Mika dahil iyon ang pinili niya. No one wants to be there. Mas gusto ng mga kapatid niya sa ibaba para madali lang makalabas. Pero para sa kanya na sa una pa lang ay wala nang planong tumakas o umalis ng hacienda ay komportable siya sa napiling silid.
Samantala, habang naglalakad-lakad sina Shuvee at Kira sa paligid ng resthouse, napakunot ang noo ni Shuvee nang may mapansin doon.
“Yung huling beses na nanggaling ako rito, I think eight years old pa lang ako. But I don’t remember na may ganyan kataas na pader dito. And look, may electric fence pa sa itaas. What’s that for?”
Bahagyang natawa si Kira sa sinabi ng kapatid. “Of course para sa mga magnanakaw.”
Tumango-tango si Shuvee. “Sabagay, marami nga rin namang mananakaw dito, lalo na sa resthouse.”
“Kaya nga may security sa dinaanan natin kanina.”
Maang na napatingin si Shuvee kay Kira. “Really? Hindi ko napansin.”
“Kasi nga tulog ka.”
Umirap si Shuvee. “Whatever.”
**
HABANG may kanya-kanya nang ginagawa ang mga kapatid, pinili naman ni Will na bisitahin ang pool area na nasa kaliwang bahagi ng resthouse. Nasa gitna iyon ng hardin at napapalibutan din ng mga puno.
“Wow, maganda naman pala rito. Hindi na masama kung mag-s-stay ako rito for a month.” He chuckled. “Pero mas exciting sana kung mag-i-invite ako ng babae dito.”
“What part of “no outsiders” didn’t you understand?”
Nasapo ni Will ang dibdib sa pagkagulat nang biglang magsalita si Mika sa may likuran niya.
“Ano ka ba?! Bigla-bigla ka namang sumusulpot!”
“Kararating ko lang dito ‘no. Masyado ka lang busy dyan sa pagpapantasya mo kaya di mo ko napansin,” ani Mika.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito?”
“Hinahanap ko si Ralph. Nasa loob lang siya kanina eh.”
Will scoffed. “Mukha bang alam ko kung nasa’n siya? Lumayo nga ako sa inyo para makapag-solo ako rito. Tapos mang-iistorbo ka naman.”
She hissed. “Don’t even try bringing your women here. Malinaw yung sinabi sa ‘tin ni Atty. Dyogi. Unless, gusto mong mapunta na lang sa amin yung inheritance mo?”
Sarkastikong tumawa si Will. “No fvcking way.”
Naiiling na iniwan ni Mika roon ang kapatid. Hahanapin na lang niya si Ralph dahil kailangan niyang kausapin ang binata tungkol sa pinaplano ni Will. Alam niya kung gaano kaloko ang kapatid nilang iyon. Gagawin nito ang gusto kahit anong mangyari.
Tahimik niyang nilibot ang resthouse. Hanggang sa magawi siya sa hallway patungong guest room. Nag-iisa lang iyon sa resthouse dahil bihira naman doon magkaroon ng bisita. At ang gumagamit ng kwartong iyon ay ang caregiver ng kanilang ama na si Ezra.
Lalampasan na sana niya ang guest room nang makarinig siya ng mahihinang ungol mula roon. Napakunot ang noo niya. Huminto siya sa paghakbang para pakinggan iyon nang mabuti.
Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses.
“Fvck! You’re so tight!”
Natutop niya ang bibig. “Ralph?” mahina niyang sabi.
Napamura na lamang siya sa isip niya nang muling marinig ang boses ng panganay na kapatid at ang ungol ni Ezra.
“Sh!t. Kaya pala gano’n na lang yung tinginan nila kanina.” Bigla siyang nakaramdam ng pandidiri. Hindi niya akalaing ganoon pala ang babaeng tipo ni Ralph.
Gwapo at maganda ang katawan ni Ralph dahil palagi iyon sa gym. Isa pa ay martial artist din ang binata kaya noon pa man ay maganda na talaga ang pangangatawan. Pero sa dalawang lalaki sa kanilang magkakapatid, si Ralph talaga yung pihikan sa mga babae. Iniisip niya noon na baka masyadong mataas ang standards ng kapatid niya kaya hindi pa rin nagkakaroon ng girlfriend mula nang lokohin ng five years nitong karelasyon noon.
Pero sa pagkakataong ‘yon, kahit hindi niya nakikita ang ginagawa nina Ralph at Ezra, hindi naman siya t-nga para hindi ma-gets kung anong nagaganap sa loob ng guest room.
Uminit ang magkabilang pisngi niya. Nagpasya na lang muna siyang lumabas para magpahangin at para mawala na rin sa isip niya yung narinig niya kani-kanina lang.
Habang nakatambay sa porch sa harap ng bahay. Mayamaya lang, napatayo siya sa inuupuang couch nang matanaw ang paparating na SUV.
“What the heck? Kaninong bisita ‘yon?”
Kaagad siyang lumapit sa humintong sasakyan. Hinintay niyang bumaba ang sakay nito. Ilang sandali pa ay umibis doon ang isang matangkad na lalaki.
“Who are you? And um... who invited you here?”
Namulsa ang lalaki at walang kakurap-kurap na tumitig sa kanya. Napalunok siya nang magsalubong ang kanilang mga mata.
“Well, Atty. Dyogi sent me to see if you’re really following the rules for the inheritance. I’ll be reporting everything back to him. Name’s Brent Manalo. Nice meeting you, Miss Anne Mikaela Veramonte Madrigal.”
“I hate hearing my full name. Mika’s fine.”
He shrugged. “Sabi mo eh.”
Then he cleared his throat. “Sabi sa ‘kin ni Attorney, may ipapagamit daw siyang kwarto sa resthouse. Pwede mo ba ‘kong samahan?”
She rolled her eyes. Hindi siya na-inform na may iba pa pala silang makakasama. Ang alam niya lang, tatay lang nila ang magiging witness sa isang buwang pananatili nila sa hacienda.
“Hindi ko alam kung saan ka matutulog. May mga paa ka naman ‘di ba? May bibig ka rin. Magtanong ka na lang sa katiwala namin dito kung saan ka pwede mag-stay. Iisa lang kasi yung guest room. Pero kapag wala nang available na kwarto, pwede ka na siguro sa bodega.” Pagkasabi’y inirapan ni Mika ang binata at iritadong iniwan iyon doon.
“Wow, what a welcome.”
Napapailing na lang na bumalik sa sasakyan si Brent para kunin ang mga gamit niya. Walang signal doon kaya hindi niya matatawagan si Atty. Dyogi. Para makapag-report sa abogado, kailangan pa niyang pumunta sa bayan o kahit saan na makakasagap siya ng signal.
Napabuga na lang siya sa hangin habang pinagmamasdan ang mataas na pader na nakapalibot sa buong hacienda.
“Why do I get the feeling that I’m going to end up a prisoner here?”
TO BE CONTINUED…
Hello, drafties! Para ma-notify kayo pag may bagong update si Author, please make sure na naka-følløw kayo dito sa page. Drop a comment para ma-reply-an ko kayo kapag may bago ulit na update. Dito po kayo sa mismong page mag-comment para makita ko po agad. Thanks!
AI can write stories, but it can’t write your story.
Nowadays, ang dami nang sumusulpot na “writers” na AI-generated lang yung stories. Pero linawin ko lang ha, I am not attacking those who rely solely on AI to create stories. We all have our reasons. Maybe it’s for practice, maybe it’s for fun, maybe it’s for content. Valid rin naman yun.
But here’s the thing:
WRITING IS A PASSION, not just something you do para sumikat or sumabay sa uso.
When you truly love writing, you breathe life into every word. You pour your emotions, experiences, and imagination into the page. That’s something no machine can replicate, because AI can generate words, pero ikaw lang yung makakapagbigay ng buhay dun sa kwentong sinusulat mo. Ikaw yung makakapagbigay ng kakaibang excitement sa mga nagbabasa ng stories mo kasi natural na yun sayo.
Kung tutuusin, kaya ko rin namang gawin yun. I can let AI write stories for me, para may ma-post ako lagi, kahit kada oras pa kung gugustuhin ko. Pero hindi ko gagawin. Bakit? Kasi hindi naman ako dun minahal at sinuportahan ng mga readers ko eh. They don’t come to me for quantity, they come for quality. For the excitement, the twists, the emotions na nafe-feel nila sa bawat update. Kaya nga tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko feedback nila. Yung tipong sinasabi nila na kinabahan sila, nagulat, natakot… May mga naiinis pa kapag nabitin sila. Sa ganung paraan, alam ko na binasa talaga nila at nagustuhan nila yung kwento.
That’s why I’d rather take my time. Di bale nang matagalan bago ako mag-post basta pinag-isipan ko talaga yung pino-post ko kahit na wala akong kinikita ro’n. Ang dami kong pending stories, yung iba on-hold pa kasi na-stuck ako sa pagbuo ng ideas. Then kapag may bago na naman, kailangan ko talagang isulat kasi hindi ako mapapakali. Hindi ako papatulugin nung ideas na yon.
Okay, balik tayo sa topic. AI can guide, inspire, and help us when we’re stuck. Malaking tulong nga actually, pero wag natin abusuhin kasi kapag nasanay tayo sa gano’n, mahirap nang bumalik sa dati na kaya nating mag-isip nang mag-isa, na kaya nating bumuo ng kwento nang walang tulong ng AI. Don’t lose the fire. Kasi kaya naman natin noon eh. Sumasali pa nga tayo sa mga writing contest. Pinag-iisipan nang malala yung plot kahit load lang yung prize o kaya certificate lang na ginagawa sa Canva.
Use AI if you must, but don’t let it replace your own voice. Mas masayang ma-recognize dahil sa kakaibang kwento na kaya nating isulat. Kasi yung fame, madali lang din mawala kapag marami nang gumaya sa ginagawa ng iba. Pero kapag tumatak na sa mga readers natin yung mga kwentong naisulat natin, sobrang sarap sa pakiramdam. Hahanap-hanapin nila yung ganung klase ng kwento at babalikan pa yung mga nasulat natin kahit nabasa na nila.
22/08/2025
Tapos wala sa kanila yung makakatuluyan ni Bianca.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Subic