Prime FM

Prime FM

Share

25/05/2026

BAGONG KUDETA UMANO SA SENADO IKINAKASA; GATCHALIAN ITINUTULAK NA IPALIT KAY CAYETANO
Posibleng hindi pa tapos ang sigalot sa Senado matapos umugong ang usapin tungkol sa panibagong umano’y kudeta sa liderato ng Mataas na Kapulungan, kung saan itinutulak si Senator Sherwin Gatchalian na maaring pumalit kay Senator Alan Peter Cayetano bilang Senate president.
Sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Senado, sinabi nina Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Senator Panfilo “Ping” Lacson na si Gatchalian ang nakikita nilang maaaring pagkaisahan ng mas maraming senador upang muling pag-isahin ang kapulungan.
Ayon kay Pangilinan, suportado ng “Solid Bloc 11” si Gatchalian para mamuno sa Senado, habang sinabi naman ni Lacson na may kakayahan at karanasan ito upang maibalik ang kredibilidad ng institusyon matapos ang magkakasunod na kontrobersiya nitong mga nakaraang araw.
Bagama’t walang direktang kumpirmasyon na may nakaambang panibagong pagpapalit ng liderato, lumalabas na hindi pa rin ganap na matatag ang bagong mayorya na nabuo matapos mapatalsik si dating Senate president Vicente “Tito” Sotto IIInoong Mayo 11.
Kasunod ito ng sunod-sunod na isyu sa Senado kabilang ang naganap na putukan sa loob ng gusali, mga tanong sa seguridad, at ang kontrobersyal na pagtakas ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa kustodiya ng Senado.
Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na handa siyang akuin ang pamumuno sa Senado kung kinakailangan, lalo na sa harap ng nakaambang paglilitis sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Aminado rin siyang malaking dagok sa imahe ng Senado ang mga kaguluhang nangyari nitong nakaraang linggo.
Sa huli, igiiit ng minorya, kailangang maibalik ang dignidad at tiwala ng publiko sa Senado habang tinitiyak na magiging patas at walang kinikilingan ang paghawak sa impeachment trial laban sa bise presidente.

Photos from Prime FM's post 25/05/2026

BABAE, BINARIL SA PADADA, DAVAO DEL SUR
Sugatan sa pamamaril ang isang babae sa Purok 2, Barangay Southern Paligue, Padada, Davao del Sur noong gabi ng Mayo 22, 2026.
Ayon sa ulat ng Padada Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-7:57 ng gabi.
Nakilala ang biktima sa alyas na “Fe”, nasa hustong gulang.
Sa paunang imbestigasyon, lumabas na kasama ng saksi na nakilalang si alyas “Ritchie” ang biktima habang bumibiyahe sakay ng payong-payong patungo sa Barangay Punta Piape.
Ayon sa saksi, napansin umano nito ang isang itim na Rusi na motorsiklo na may sakay na dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal na sumusunod sa kanila bago nangyari ang insidente. Pagsapit sa Kawayan, Barangay Southern Paligue, umano’y ilang beses na pinaputukan ng back rider ang biktima bago tumakas patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.
Agad na isinugod sa Davao del Sur Provincial Hospital upang mabigyan ng agarang medikal na lunas na ngayo'y nasa stable na ang kalagayan.
Samantala, nagsagawa na ng hot pursuit operation ang Padada MPS at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang mga suspek na responsable sa krimen.

25/05/2026

6 PA IISYUHAN NG ICC ARREST WARRANT – MATIBAG
Anim pang perso­nalidad ang isusunod kay Sen. Bato dela Rosa na iisyuhan ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) na ilalabas sa mga susunod na araw.
Ito ang inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na sinabi pang ang pag-aresto kay Bato ay itinuturing nilang ‘test case’ sa kanilang mga operatiba.
Si dela Rosa na dating PNP chief ang itinuturing na chief architect sa madugong drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte habang ang anim pang mga kilalang personalidad ay sangkot din umano sa extra judicial killings (EJK) sa drug war.
Ayon pa kay Matibag, hindi magtatagal ay mahuhulog din sa NBI operatives si dela Rosa dahil may sinusundan na silang lead sa pinagtataguan nito.

25/05/2026

5-ANYOS NA TINANGAY NG BAHA, NATAGPUANG PATAY SA BARMM
Patay nang natagpuan ang isang 5-anyos na batang babae matapos itong mawala sa loob ng tatlong araw sa Barangay Central Labas, Kadayangan, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kinilala ang biktima na si Jasmine, residente ng Poblacion Libungan, North Cotabato.
Una itong naiulat na nawawala matapos aksidente umanong mahulog sa isang sapa dahilan upang tangayin ito ng rumaragasang tubig-baha.
Agad namang nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga rescue team, ngunit tumagal pa ng ilang araw bago natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.
Dahil dito, labis na kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng pamilya at mga kaanak ng bata bunsod ng biglaang pagkamatay nito.

Want your business to be the top-listed Media Company in South Digos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Dok Alternatibo Prime Complex, Sugar Road, Brgy. Tiguman
South Digos