Ang Batingaw Online
LU is NES.
Excited na ba ang lahat?
03/06/2026
| 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗨𝗛𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗕𝗘𝗥𝗛𝗘𝗡𝗦𝗜𝗬𝗔
𝗣𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗲𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗛𝗦 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗧𝗕𝗟
Sa temang "Transform, Build and Learn," nagsama-sama ang buong kag**oan at empleyado ng Solano High School sa pangunguna ni School Principal IV Dr. Trinidad B. Logan upang pag-usapan ang mga mahahalagang bagay na kailangang isaalang-alang bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, Hunyo 2.
Tinalakay sa programa ang mga pangunahing direksyon at polisiya ng paaralan, kabilang ang implementasyon ng nirebisang kurikulum ng Baitang 9 at 10, ang bagong Three-Term School Calendar, at ang pinalakas na Senior High School Curriculum.
Binigyang-diin din ng ilang dalubg**o't ulongg**o ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga akademikong patimpalak at iba pang gawaing pangkurikulum, habang iniangkop ang mga localized lesson plan gamit ang ILAW format upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng pagsasanay at regular na pag-aaral.
Kasama rin sa pinag-usapan ang bagong tatag na Solano High School Teachers Employees Retirees Credit Cooperative maging ang ilang ulat mula sa Faculty and Employees Association ng paaralan.
Layunin ng gawain na mas mapabuti at mapaigting ang kalidad na edukasvon sa paaralan sa tulong ng nasabing kurikulum at masuri ang bisa nito, maging ang pagtitiyak na handa ang paaralan para sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa darating na Hunyo 8.
✒️ Rhea Divad
📷 Edrei Jake Agcaoili
----------------------------------
𝘛𝘶𝘮𝘶𝘵𝘰𝘬 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢! 𝘐-𝘧𝘰𝘭𝘭𝘰𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨𝘢𝘸 𝘖𝘯𝘭𝘪𝘯𝘦, 𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘵𝘢𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘚𝘰𝘭𝘢𝘯𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢'𝘵 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯.
📩 [email protected]
🌐 shsangbatingaw.wordpress.com
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Address
Solano
3079
Opening Hours
| Monday | 7:30am - 5pm |
| Tuesday | 7:30am - 5pm |
| Wednesday | 7:30am - 5pm |
| Thursday | 7:30am - 5pm |
| Friday | 7:30am - 5pm |