Siniloan Traffic Management Office II

Siniloan Traffic Management Office II

Share

Photos from Siniloan Traffic Management Office II's post 05/06/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY πŸ“’
June 5, 2026 (Friday)

Patuloy pong isinasagawa ng Traffic Management Office (STMO) at PNP Siniloan Municipal Police Station ang verification at inspection ng mga sumusunod:

βœ… Franchise (MTFRB) / TODA
βœ… Special Permit
βœ… Service Vehicle Sticker
βœ… Public Utility Sticker (JODA)
βœ… Courier Service Sticker (Delivery Rider)
βœ… Driver's License
βœ… At iba pang kaugnay na dokumento at permit

πŸ“’ PAALALA SA MGA TRICYCLE OPERATORS AT DRIVERS πŸ“’

Ang mga trisikulong hindi pa nakapagre-renew ng kanilang prangkisa ay inaasahang makapag-renew sa mga susunod na araw upang maiwasan ang paglabag at aberya sa pamamasada.

Paalala rin po sa lahat ng may prangkisang tricycle na kinakailangang nakapaskil at madaling makita sa loob ng sasakyan ang mga sumusunod:

βœ… Taripa ng pamasahe
βœ… MTOP I.D. ng driver
βœ… Hotline Number ng Traffic Management Office

Ang mga ito ay mahalagang pagkakakilanlan na ang inyong tricycle ay may wastong prangkisa at sumusunod sa mga itinakdang alituntunin ng pamahalaang bayan.

πŸ“’ PAALALA SA MGA PASAHERO πŸ“’

Bago sumakay, tiyakin na ang inyong sinasakyang tricycle ay may:

βœ… Nakapaskil na Taripa
βœ… MTOP I.D. ng Driver
βœ… Hotline Number
βœ… Kaukulang Franchise o Permit

Makakatulong ito upang masiguro ang inyong kaligtasan at upang malaman ninyo ang tamang halaga ng pamasahe.

Inaanyayahan na rin pong kumuha ng kaukulang permit at sticker ang:

βœ… Private Tricycle
βœ… Delivery Riders
βœ… Business Service Vehicle

Patuloy pong magsasagawa ng paninita at operasyon ang Traffic Management Office, katuwang ang PNP Siniloan Municipal Police Station, upang mapanatili ang kaayusan sa lansangan at maisulong ang ZERO KOLORUM sa Bayan ng Siniloan.

Nagpapasalamat din po kami sa pakikipagtulungan ng PNP Siniloan Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ Marlo M. Camantigue at ng MDRRMO Siniloan sa pamumuno ni Sir RC Cajano.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa para sa mas ligtas, maayos, at disiplinadong transportasyon sa Bayan ng Siniloan. πŸš¦πŸš”πŸ‡΅πŸ‡­

God Bless Siniloan!


Siniloan Traffic Management Office II

02/06/2026

πŸ“’ TRAFFIC ADVISORY | BALIK-ESKWELA 2026 πŸ“’

Magandang araw po sa ating lahat. Bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase, ang Siniloan Traffic Management Office (STMO) ay nagpapatupad ng mga sumusunod na hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng mga paaralan:

🚫 NO ENTRY FOR BIG TRUCKS
Simula 6:00 AM hanggang 8:00 AM (oras ng pasukan ng mga estudyante), hindi papayagang bumiyahe sa loob ng bayan ang mga malalaking trak. Mga bus lamang ang papayagang dumaan sa nasabing oras.

🀝 PAKIKIPAGTULUNGAN NG MGA BARANGAY OFFICIALS AT BPSO
Alinsunod sa mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad, inaasahan ang aktibong pakikipagtulungan ng ating mga Punong Barangay, Barangay Officials, at Barangay Public Safety Officers (BPSO) sa pagpapatupad ng mga traffic management measures sa kani-kanilang nasasakupan, lalo na sa mga pangunahing kalsada at paligid ng mga paaralan.

πŸ›£οΈ ALTERNATIBONG DAAN PARA SA MGA GALING SA UPLAND BARANGAYS
Para sa mga mag-aaral at magulang na patungo sa mga paaralan sa L. De Leon Street, inirerekomenda ng STMO na gamitin ang rutang:

➑️ Infirmary Road β†’ Senarol Road β†’ Mga Paaralan

upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

πŸ”„ TEMPORARY ONE-WAY TRAFFIC SCHEME
Upang mabigyang daan ang ligtas at maayos na pagpasok ng mga mag-aaral, ang mga sumusunod na kalsada ay pansamantalang ipatutupad bilang ONE-WAY mula 6:00 AM hanggang 8:00 AM:

πŸ“ Bonifacio Street
πŸ“ Mabini Street
πŸ“ Acevida Street

Hinihiling namin ang pakikiisa ng lahat ng motorista at residente sa pagsunod sa itinakdang daloy ng trapiko upang maiwasan ang pagsisikip at mapanatili ang kaligtasan ng ating mga estudyante.

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ PAALALA SA MGA MAGULANG
Mahigpit naming ipinapaalala na huwag hayaang magmaneho ng sasakyan o motorsiklo ang inyong mga anak kung wala silang valid Driver’s License. Ang kaligtasan ng ating mga estudyante ay responsibilidad nating lahat.

🚸 Nasa ibaba po ang ipatutupad na Traffic Scheme. Hinihiling namin ang inyong pakikiisa at pagsunod upang mapanatili ang maayos, ligtas, at tuloy-tuloy na daloy ng trapiko sa panahon ng Balik-Eskwela.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at suporta para sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.

God Bless Siniloan!


Siniloan Traffic Management Office II

Photos from Siniloan Traffic Management Office II's post 29/05/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY πŸ“’

Patuloy pong isinasagawa ng TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE at PNP Siniloan Municipal Police Station ang verification at inspection ng mga sumusunod:

βœ… Franchise (MTFRB) TODA
βœ… Special Permit
βœ… Service Vehicle Sticker
βœ… Public Utility Sticker (JODA)
βœ… Courier Service Sticker (Delivery Rider)
βœ… Driver’s License
βœ… At iba pang kaugnay na dokumento at permit

πŸ“’ PAALALA SA MGA TRICYCLE OPERATORS AT DRIVERS πŸ“’

Ang mga trisikulong hindi pa nakapagre-renew ng kanilang prangkisa ay inaasahang makapag-renew sa mga susunod na araw upang maiwasan ang paglabag at aberya sa pamamasada.

Inaanyayahan na rin pong kumuha ng kaukulang permit at sticker ang:

βœ… Private Tricycle
βœ… Delivery Riders
βœ… Business Service Vehicle

Patuloy pong magsasagawa ng paninita at operasyon ang TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE katuwang ang Siniloan Municipal Police Station upang mapanatili ang kaayusan at maisulong ang ZERO KOLORUM sa bayan ng Siniloan.

Nagpapasalamat din po kami sa pakikipagtulungan ng Siniloan Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ Marlo M. Camantigue at sa MDRRMO Siniloan sa pamumuno ni Sir RC Cajano.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. 🚦
God Bless Siniloan!


Siniloan Traffic Management Office II

06/05/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’

Photos from Tropa Agarao's post 06/05/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’πŸ“’

28/04/2026

πŸ“’ PUBLIC ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa ating lahat!

Ipinapaalam po na may napulot na Voter’s ID na nakapangalan kay Marjorie Lucilo Demafelix.

Kung sino man po ang nakakakilala sa kanya, maari po ninyo siyang ipagbigay-alam na maaari na niyang makuha ang kanyang ID sa Tanggapan ng Market Admin Office.

πŸ“ Pakipunta lamang po sa nasabing tanggapan at magdala ng kaukulang pagkakakilanlan para sa maayos na pag-claim.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

Photos from Siniloan Traffic Management Office II's post 22/04/2026

πŸ“’ PUBLIC ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa ating lahat!

Dahil sa madalas na pagkakaroon ng sakuna, naglagay po tayo ng mga babala at Early Warning Devices sa ilang bahagi ng upland barangay upang mapalakas ang kaligtasan at kahandaan ng ating komunidad.

Layunin po nito na paalalahanan ang lahatβ€”lalo na ang mga motoristaβ€”na maging maingat at alerto sa mga delikadong bahagi ng kalsada.

πŸ“ Paalala sa lahat:
βœ… Sundin ang mga nakapaskil na babala at Early Warning Devices
βœ… Mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na sa madulas na kalsada
βœ… Iwasan ang pagbiyahe kung hindi kinakailangan sa masamang panahon
βœ… Mga truck: magdahan-dahan upang maiwasan ang aksidente
βœ… Siguraduhing maayos ang preno bago bumiyahe

Hindi po ito magiging posible kung wala ang tulong ng MDRRMO at GSO, sa pamumuno nina Sir Moises Serrano at Sir RC Cajano, sa inisyatibo ng ating Punong Bayan Mayor Patrick Ellis Z. Go.

🀝 Ang inyong pakikiisa ay mahalaga para sa kaligtasan ng lahat.

Maraming salamat po! 🚧
God Bless Siniloan!


Siniloan Traffic Management Office II

22/04/2026

π…πŽπ‘π„π’π“ π…πˆπ‘π„ 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 🚨

Dahil sa mga naitalang insidente ng sunog sa kahabaan ng baybay area, mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat ng mamamayan na maging mapagmatyag at alerto sa anumang posibleng panganib. Ang patuloy na init ng panahon at tuyong kapaligiran ay maaaring magdulot ng mabilis na pagkalat ng apoy, kaya’t mahalagang mag-ingat at makiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.

Kung may mapansing usok o apoy sa inyong lugar, agad itong iulat. Huwag mag-atubiling tumawag at magreport sa mga kinauukulan gamit ang emergency hotline na nasa ibaba upang agarang maaksyunan ang sitwasyon.

πŒπ€π‡π€π‹π€π†π€ππ† 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
β€’ Ibigay ang eksaktong lokasyon ng insidente
β€’ Manatiling kalmado at umiwas sa panganib
β€’ Sumunod sa mga tagubilin ng awtoridad
β€’ Iwasan ang pagsisiga o anumang gawain na maaaring pagmulan ng sunog
β€’ Siguraduhing ligtas ang inyong tahanan at kapaligiran

Ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sa tamang kaalaman at maagap na pagkilos, maiiwasan ang mas malalang pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.

πŒπ€π†πˆππ† πŒπ€ππ€π†πŒπ€π“π˜π€π†. πŠπ”πŒπˆπ‹πŽπ’ 𝐀𝐆𝐀𝐃. πŒπ€π†π“π”π‹π”ππ†π€π 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€π‹πˆπ†π“π€π’π€π 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓.

Photos from Siniloan Traffic Management Office II's post 21/04/2026

Magandang Araw po!
Lubos pong nagpapasalamat ang Siniloan Traffic Management Office (STMO) sa maagap at mabilis na pagtugon ng BFP Siniloan, FLECO, at Siniloan MPS (PNP).

Dahil sa inyong agarang aksyon at dedikasyon, naging maayos, ligtas, at organisado ang daloy ng trapiko at paglalakbay ng ating mga kababayan, gayundin ang agarang pagsasaayos ng kuryente.

Ang inyong serbisyong tapat at walang pag-aalinlangan ay tunay na nagpapakita ng malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pakikiisa at suporta para sa kaligtasan ng ating bayan.


Siniloan Traffic Management Office II

Photos from Siniloan Traffic Management Office II's post 20/04/2026

πŸ“’ PUBLIC ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa ating lahat!

Ipinapaalam po ng aming tanggapan na nadagdagan ang mga na-install na Early Warning Devices (Solar) sa ilang piling lugar sa ating bayan bilang bahagi ng pagpapalakas ng ating kahandaan sa sakuna at kalamidad.

πŸ“ Mga lugar na pinaglagyan:
β€’ Sitio Butadero
β€’ Infirmary
β€’ Halayhayin (Inanihan)
β€’ Bagong Bayan
β€’ I. Mendiola (Saudi)
β€’ MRF

Ang mga kagamitang ito ay magsisilbing maagang babala sa panahon ng sakuna upang mas mapabilis ang pag-abiso at masiguro ang kaligtasan ng bawat motorista at mamamayan.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa inisyatibo ng ating Punong Bayan, Mayor Patrick Ellis Zamora Go, bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng publiko.

Hinihikayat po ang lahat na pangalagaan ang mga nasabing kagamitan at makipagtulungan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa ating komunidad.

Hindi po magiging posible ang mga proyektong ito kung hindi dahil sa tulong ng GSO Siniloan, sa pamumuno nina Sir Moises Serrano at Sir Ronnie Flores, at sa kanilang mga kasamahan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Siniloan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Brgy. G. Redor Siniloan, Laguna
Siniloan
4019

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm