Jesus Is Alive Community - Siniloan
25/05/2026
Lord, bakit kailangan ko pang maranasan 'to?"
"Bakit kailangang mamatayan ako ng mahal ko sa buhay?"
"Bakit kailangang mawalan muna ako?"
"Bakit kailangang masaktan muna ako?"
"Lord, bakit ako?"
Ilan lang 'yan sa mga madalas nating natatanong sa Panginoon kapag tayo'y dumadaan sa pagsubok. Hindi lahat ng pagsubok na dadaan sayo ay magaan lang. Minsan, masakit. Minsan, mahirap. Minsan, nakaka-walang ganang mabuhay.
Kung mababasa mo sa Bibliya, "... dapat kayong magalak sa kabila ng iba't ibang pagsubok"? Para tayong nag lolokohan. Sino ba namang gugustuhing dumaan sa pag-subok? Magalak pa kaya?
Pero alam mo, kahit mahirap tanggapin, wala kang mababasang sinabi ng Panginoon sa Bible na hindi ka masasaktan kailanman. Ang pangako Niya ay hindi tayo mag-iisa. Hindi Niya tinatanggal ang bagyo, pero sinisigurado Niyang may kasama tayo sa gitna ng bagyo.
At minsan, ayaw man natin, yung mga pagsubok na kinatatakutan natin, sila pa pala yung nagiging daan para patatagin tayo, baguhin tayo, at ihanda tayo para sa mas malaking gagawin ng Diyos sa buhay natin. Hindi pa man natin makita yung purpose kung para saan at bakit natin kailangang pagdaan 'yon pero may nakikita Siya na hindi natin nakikita. And that is all that matters. After all, ang Lord lang rin naman ang nakaka-alam ng mas ikakabuti natin.
Kaya friend, kung nasa gitna ka man ng pinakamahirap na season ng buhay mo, tandaan mo, hindi ka sinusukuan ng Diyos. Hindi aksidente ang pinagdadaanan mo. At hindi ka Niya iiwan sa sitwasyon na ‘yan.
Kung kaya mong magtanong, kaya mo ring magtiwala. Kung kaya mong umiyak, kaya mo ring kumapit. At kung kaya mong masaktan, kaya ka ring pagalingin ng Panginoon.
1 Pedro 1:6 ASD
“Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan,”
Kung pagod ka na, lumapit ka lang sa Lord. Hindi nagagalit ang Panginoon sa pag tanong natin, ang gusto ng Lord, isurrender mo yung nararamdaman at sitwasyon mo sa Kaniya.
Ang lahat ay may katapusan. Mas malaki pa rin si Lord kaysa sa kahit anong season ng buhay natin.
20/05/2026
Pahayag 2:5 ASD
“Alalahanin ninyo ang inyong kinalagyan bago kayo nahulog. Magsisi na kayo sa mga kasalanan ninyo at gawin nang muli ang dati ninyong ginagawa. Kung hindi, pupuntahan ko kayo at kukunin ang inyong ilawan.”
Minsan, sobrang busy na natin sa life na hindi na natin namamalayan na unti-unti na pala tayong lumalayo kay Lord. Sabi sa talatang ito, alalahanin natin kung nasaan tayo dati —yung time na grabe yung passion natin, yung excitement sa prayer, sa worship, sa paggawa ng tama.
Kapag napansin mong parang dim na yung “ilaw” mo, hindi pa huli ang lahat. Mag-repent, bumalik, at gawin ulit yung mga unang ginawa mo for God. Hindi ka tinatawag ni Lord para i-shame, kundi para i-restore.
Reminder ito sa atin — guard your fire. Huwag mong hayaang mamatay yung faith na minsan ay sobrang ningning.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Website
Address
2F Panaval Bldg. G. Redor Street Siniloan, Laguna
Siniloan
4019
Opening Hours
| Monday | 1pm - 5pm |
| Thursday | 1pm - 5pm |
| Friday | 1pm - 5pm |
| Saturday | 6pm - 9pm |
| Sunday | 9am - 11am |
| 3pm - 5pm |