Sadness

Sadness

Share

20/03/2026

Hindi ka na nagsusumbong
kapag nasasaktan ka—
hindi dahil wala nang sakit,
kundi nasanay ka nang tahimik.

Dati, konting kirot lang
hinahanap mo agad ang yakap,
ang kakampi,
ang magsasabing “okay lang ‘yan.”

Ngayon,
ikaw na lang ang nakakaalam
kung gaano kasakit ang lahat,
at ikaw na rin ang marunong maghilom.

Hindi ka na umiiyak nang malakas,
hindi na humihingi ng pansin—
pinipili mo na lang
ang magpakatatag kahit mag-isa.

Nagbago ka na nga, bunso.
Hindi ka na nagsusumbong…
pero sana,
hindi mo rin nakakalimutan
na may karapatan ka pa ring masaktan,
at may karapatan ka pa ring marinig.

Pinahahalagahan ka pa rin.
Pakikinggan ka pa rin.
At minamahal ka pa rin.

CTTo—Mga Akda ko

Want your business to be the top-listed Media Company in Sariaya?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Sariaya
4322