Its Yourself
15/03/2026
BINUNTIS NIYA KO KASI MAGANDA DAW AKO PERO…
Sabi nila, “Sana all maganda.” Pero minsan, yung ganda mo, yun din pala yung magiging sumpa mo.
Nagsimula kami ng asawa ko na punong-puno ng pangarap. Mahal na mahal niya raw ako. Sabi niya dati, “Ang ganda-ganda mo talaga, Mommy. Kaya gusto ko, marami tayong maging anak para lahat sila, mamana yung mukha mo.”
Naniwala naman ako. Ang ending? Sa edad naming 35, anim na ang anak namin. Inakan ako nang inakan dahil “maganda” raw ako. Proud na proud siya tuwing buntis ako, pero hindi ko alam na habang lumalaki yung pamilya namin, lumalaki din pala yung mundo niya sa labas.
Hanggang sa napansin ko na lagi na siyang overtime, halos gabi-gabi. Pag tinanong ko kung bakit, lagi niyang sagot, “Malaki na pamilya natin. Anim na anak natin. Kailangan ko magsipag.”
Syempre, naniniwala ako. Nagpapasalamat pa nga ako minsan kasi akala ko nagpapakapagod siya para sa amin.
Hanggang sa isang gabi, may nag-message sa akin. Hindi ko kilala.
May sinend na picture. Picture ng asawa ko… kasama yung babae. Magkayakap pa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Doon ko na realize na matagal na pala siyang may ibang babae. At yung overtime na sinasabi niya… yun pala yung time nila.
Alam niyo yung pinak**asakit? Hindi ko siya kayang komprontahin. Hindi dahil mahal ko pa siya. Kundi dahil natatakot ako.
Natatakot ako na kapag nagalit siya… iwan niya kami. Wala akong stable na trabaho. Anim ang anak ko. Kung iiwan niya kami, hindi ko alam kung paano kobubuhayin yung mga bata.
Kaya hanggang ngayon, nagpapanggap akong wala akong alam.
Pag sinasabi niyang “overtime ako,” tumatango na lang ako. Pag uuwi siyang madaling araw, nagluluto pa rin ako ng pagkain niya. At ngumingiti ako sa harap ng mga anak ko… kahit parang dinudurog na ako sa loob.
At oo… alam ko na sasabihin ng iba dito.
“Ang tanga mo.”
“Ba’t di mo iwan?”
“Ba’t ka nagtitiis?”
Isa lang ang sagot ko: KASI NANAY AKO.
Hindi ko kayang iparanas sa mga anak ko ang buhay na hindi ko sigurado.
Lets go comment down your link below !Then ill follow you all the way!!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Santo Tomas