Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR

Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR

Share

Photos from Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR's post 28/02/2025

MULI NATING PINAKINGGAN ANG MGA TAGA BARANGAY NAGGASICAN AT ROSARIO 💛

Sa bawat pagbisita sa ating mga barangay, mas lumalalim ang pang-unawa natin sa mga tunay na hamon ng ating mga kababayan. Pinakinggan natin muli ang mga residente ng Barangay Rosario at Naggasican na hindi natin naikutan noong isang araw, kung saan ibinuhos nila ang kanilang hinaing tungkol sa mga problema sa basura na patuloy nilang pinagdadaanan mula pa noong Disyembre. Kasama na rin dito ang kanilang mga alalahanin sa kakulangan ng maayos na drainage system.

Photos from Arlene Jane Alvarez-Reyes - AJAR's post 26/02/2025

PATULOY TAYO SA PAKIKINIG SA BOSES NG MGA SANTIAGUEÑO 💛

Nakipagpulong tayo sa ating mga kababayan mula sa Brgy. Naggasican at Brgy. Batal bilang bahagi ng ating Listening Tour.

Handa akong makinig sa bawat suliraning inyong idudulog, mula sa kakulangan ng oportunidad sa trabaho hanggang sa iba pang mahahalagang usapin na nakakaapekto sa ating pamumuhay.

Taos-puso akong nagpapasalamat sa inyong katapatan at tiwala sa pagbabahagi ng inyong mga hinanaing at pangangailangan, dahil dito namin iaayon ang ating mga susunod pang mga hakbang para sa ikakabuti ng ating lungsod.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Santiago?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Santiago
3311