Konsi Gelo Factoriza

Konsi Gelo Factoriza

Share

07/04/2026

Magandang Gabi mga Ka- Barangay!


Bilang paghahanda sa Unang araw ng Medical Mission na gaganapin sa BRGY. CAINGIN COVERED COURT sa darating na APRIL 12,2026 ( para sa mga taga Nayon) ganap na 7:00 ng Umaga hanggang 5:00 ng Hapon.

Ang inyong lingkod ay mamimigay ng First 150 Forms para sa mga PHILHEALTH MEMBERS para sa mas mabilis na proseso sa araw ng Medical Mission.

Mangyari lamang pong magpunta sa BRGYHALL ng CAINGIN, BUKAS 10am-5pm Hanapin lamang po si kagawad GELO FACTORIZA at higit sa lahat ihanda ang PHILHEALTH ID/ MEMBER para mabigyan ng nasabing Form na inyo namang agad na sasagutan/ fifill-upan at dadalhin sa pinaka araw ng Medical Mission sa APRIL 12,2026

Para po pagdating sa araw ng medical mission hindi na kyo mag fifill-up ng papel sa venue
Para po ito sa mas mabilis na proseso 🫶

04/04/2026

KALUSUGAN MO SAGOT KO BIGAN!!

PAGBATID SA PUBLIKO

Magandang Balita, mga Ka- Barangay! Para sa lahat ng Philhealth Member , para sa inyo ito!

(Uulitin ko po ito ay para muna sa mga Kabarangay na merong Philhealth)
Kung kanino po nakapangalan ang Philhealth ID sya po ang makaka kuha ng mga sumusunod

Libreng Gamot, Libreng Konsulta, Libreng Non- Fasting Laboratories para sa lahat ng mga taga Brgy. Caingin!!

Sa pangunguna at proyekto ni Kagawad Mark Angelo “ GELO” B. Factoriza bilang Health Commitee ng ating Barangay .

Ang inyong lingkod katuwang ang aking butihing may bahay na si Dra. Kwin Elizabeth Factoriza ay magsasagawa ng LIBRENG GAMOT, LIBRENG KONSULTA SA DOKTOR, LIBRENG LABORATORIES para sa lahat ng PHILHEALTH MEMBER, bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong buwan ng Abril.

In collaboration with Dr. Mariano Lopez , Philhealth YAKAP, VHealth Medical and Diagnostic Center.

📌Service Offered: Medical Mission(7:00AM-5:00PM)

•7:00 AM ONWARDS( FIRST 300)
• Doctor’s Consultation
•Libreng Laboratories(Non-Fasting)
• Libreng Vitamins/ Medicine

Requirements:

• 1 Valid ID( Philhealth ID/ MEMBER)

• Para sa Dependents:

- 18 taong gulang pababa: BIRTH CERTIFICATE/PSA

🗓️APRIL 12,2026( Para sa mga taga NAYON)
⏱️7:00AM-5:00 PM
📍CAINGIN BRGY. COVERED COURT

🗓️APRIL 18,2026( Para sa mga taga SOUTHVILLE)
⏱️7:00 AM- 5:00PM
📍SV4 COVERED COURT

🗓️ APRIL 26,2026( para sa mga taga VILLA)
⏱️7:00AM- 5:00PM
📍 CAINGIN BRGY. COVERED COURT

Photos from Pamahalaang Barangay Caingin, Santa Rosa City's post 12/01/2026
17/11/2025

🦷 LIBRENG BUNOT AT PAMIMIGAY NG LIBRENG GAMOT PARA SA LAHAT!

Bukas ito para sa lahat ng mga taga Barangay Caingin
— Kabataan, Adult, at Senior citizen, magdala lang po tayo ng isang Valid ID katunayan na ikaw ay lehitimong taga Barangay Caingin.

Sa pangunguna at proyekto ni Kagawad Gelo B. Factoriza,
kasama ang suporta ng Ina ng Lungsod ng Santa Rosa Mayor Arlene B. Arcillas, Vice Mayor Arnold B. Arcillas, Congressman Roy M. Gonzales, City Councilor Boy Factoriza at ng Ama ng Brgy. Caingin, Kapitan Edwin Servo.

In cooperation with KBF Dental Care.

🗓️ Nobyembre 23, 2025
🕗 8:00 AM – 12:00 PM
📍 Southville IV Covered Court, Brgy. Caingin, City of Santa Rosa, Laguna
⏱️ First Come, First Serve Basis

First 100 patients po ang aming maseserbisyuhan .

Magsisimula po ang Registration ng 8am. Kitakits po tayo aking mga Ka-Barangay!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Baranggay Caingin, City Of Santa Rosa Laguna
Santa Rosa