Pilipinas Today Batangas

Pilipinas Today Batangas

Share

08/06/2026

TSUNAMI ALERT ITINAAS BUNSOD NG 7.8 MAGNITUDE QUAKE SA SARANGANI

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng pagkakaroon ng tsunami matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang karagatang bahagi ng Sarangani alas-7:37 ng umaga nitong Lunes, Hunyo 8.

Kabilang sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng tsunami waves na higit sa isang metro ang taas ang Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat, at South Cotabato.

Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang darating ang unang mga alon sa pagitan ng 7:37 a.m. at 9:37 a.m. at maaaring magpatuloy ang pagtaas at pagbaba ng tubig-dagat nang ilang oras.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga baybaying komunidad na agad na lumikas patungo sa mas mataas na lugar o mas malayong bahagi ng lupa. Samantala, pinayuhan ang mga mangingisda at may-ari ng bangka na umiwas muna sa dalampasigan at manatili sa mas malalim na bahagi ng dagat kung nasa laot na.

(Courtesy: PHIVOLCS)

08/06/2026

Help us choose faith instead of fear in every situation.

Want your business to be the top-listed Media Company in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Santa Rosa
4025