69ners
There comes a time when we start to love Gardening. ☺️
Just imagining..☺️
Merry Christmas..😉
09/11/2025
Talaga bang kasabay ng Pag-unlad ang Kalamidad lalo na ang pagbaha?
O ito ang kapalit ng kagustuhan ng taong umunlad ng mabilis pero di nag isip at nagplano ng tama, magkamal lng ng limpak limpak na salapi. Kasakiman na nagdulot ng kapahamakan sa nakararami.
Bastang binago ang Anyong-Tubig tungo sa pagiging Anyong-Lupa vice versa. Karagatang ginawang lupa. Mga bukid at kagubatan kasama na ang mga ilog na tinabunan at ngayon ay mga sementado at Subdivision na. Ang resulta, wala ng lupang sasalo at sisipsip kasama ng mga punong kahoy sa tuwing bubuhos ang ulan. Wala ng madaluyan at kulang na ang kapasidad ng karagatan na tipunin ang mga dumadaloy na tubig dahil nabawasan na ang laki nito at bilang ng sapa at ilog, kung meron man, tinambakan na at binahayan pa.
Sabi sa kanta, "Di nman masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan".
Baguhin ko lyrics at dugtungan ng kaunti, "Darating ang panahon, ang mga ibong gala pati ang tao'y wala ng masisilungan". "Ang mga batang ngayon lng isinilang, may lupa pa kayang matatapakan?". Baka maging animoy "Water World" na kapaligiran natin. Mala Kevin Costner na galawan natin.
Ito ang kapalit. Dahil sa matinding kasakiman, di na naplano ng maayos sa pagmamadaling magkamal na agad ng malaking yaman.
May mga tao sana tayong ini-luklok sa pwesto para mangalaga at mag isip ng proyekto para sa ikabubuti natin pero mas inuna pa bulsa nila.
Kaya binuhos ng Kalikasan ang ngitngit niya. Kunsabagay, mas gusto ng mga Buwayang magbabad sa tubig kaysa manatili sa lupa kaya ayos lng sa kanilang magbaha.
Mga Lider na inihalal sana natin para Magsilbi sa Bayan pero naging Perwisyo sa Bayan.
God save the Philippines..
Pics CTTO
゚viralシ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bayshoreville
Santa Rosa
4026