Team Buknoy Intano

Team Buknoy Intano

Share

03/11/2023

Ang SK Team Intano ay lubos na nagpapasalamat sa suporta mula simula, sa mga sumama hanggang dulo, kasama niyo pa rin kami dala-dala ang pag-asa at mga alaala, paglilingkod, pag-ahon, at pakikiisa na di na kailangan ng titulo.

Tapos na ang pangangandidato, naisigaw niyo na ang mga uupo at panalo, bagamat hindi lahat ay pinalad, kaisa pa rin kami tungo sa daan ng pag-unlad.

Para sa bawat tao, mas progresibong Barangay Tagapo!

24/10/2023

𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗹𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗕𝘂𝗸𝗻𝗼𝘆 𝗜𝗻𝘁𝗮𝗻𝗼

Aming ibinabahagi ang ikalawang bahagi ng opisyal na plataporma ng aming team para sa panunungkulan bilang boses ng mga kabataan ng Barangay Tagapo.

𝗔𝗥𝗧𝗟𝗘𝗧𝗔: 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴, 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮, 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗸𝗮, 𝗮𝘁 𝗜𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀.

Alam namin kung gaano kahalaga ang creative/performing arts tulad ng pageants, dance competitions at battle of the bands sa pag-hubog ng natural na talento ng ating mga kabataan. Kasama na dito ang mga liga sa sports para sa ating mga atleta. Sa panunungkulan ng 𝗦𝗞 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗜𝗡𝗧𝗔𝗡𝗢, kayo ay makakaasang hindi ito mawawala, bagkus, ay atin pang pag-iigihan.

Halinat subaybayan, suportahan, at kilalanin ang mga programa ng aming team para sa mas ikauunlad ng Barangay Tagapo!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Barangay Tagapo
Santa Rosa
4026