PYC - St. Joseph the Worker Parish
03/05/2026
Gospel Reflection (Juan 14: 1-12) | May 3, 2026
βπ¨ππ πππ π
πππ, πππ πππππππππππ, ππ πππ πππππ. πΎπππππ πππππππππππ ππ π¨ππ ππππ
π ππ πππππππππππ ππ.β
Ang Ebanghelyo ngayon ay paalala ni Hesus sa Kanyang mga alagad na huwag silang mabagabag at matakot. Sa kabila ng mga pagsubok at hindi tiyak na hinaharap, pinapaalalahanan Niya tayo na magtiwala sa Diyos. Ipinangako Niya na Siya ay naghahanda ng lugar para sa atinβisang simbolo ng pag-asa at buhay na walang hanggan.
Sinabi ni Hesus na βAko ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.β Ipinapakita nito na sa pamamagitan lamang Niya tayo makalalapit sa Ama. Hindi sapat ang sariling kakayahan; kailangan natin ang gabay at presensya ni Hesus sa ating buhay. Siya ang nagbibigay ng direksyon kapag tayo ay naliligaw at lakas kapag tayo ay nanghihina.
Para sa akin, ang mensahe ng ebanghelyong ito ay ang kahalagahan ng pananampalataya at pagtitiwala. Sa mga pagkakataong ako ay nag-aalala o natatakot, pinapaalalahanan ako nito na hindi ako nag-iisa. May Diyos na gumagabay at nagmamahal sa akin.
Bilang isang kabataan, mahalagang isabuhay ko ang aral na ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos sa bawat desisyon, paggawa ng mabuti sa kapwa, at pananatiling matatag sa pananampalataya kahit may mga pagsubok.
α΄ Ιͺα΄ α΄’ΚΚα΄Κα΄ α΄Ι΄Ι΄α΄ ΚΙͺα΄α΄κ°Κα΄Ι΄α΄α΄ - Κα΄Κα΄Ι΄Ι’α΄Κ α΄α΄α΄Κα΄
ΙͺΙ΄α΄α΄α΄Κ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Napo
Santa Cruz
4902