MHO - ESL Medical Team
29/11/2024
Nobyembre 25-29, 2024
MASAYANG ARAW BAYAN NG SANTA CRUZ!
Bilang bahagi pa rin po ng ating hangarin na mabigyan ng libreng konsultasyon ang ating mga kababayan, ang ating MHO-ESL Medical Team ay tuloy-tuloy lang po sa pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan. Namimigay rin po tayo ng mga libreng gamot sa mga nagpakonsulta at may dalang reseta.
Sa ngalan po ng ating butihing Mayor Edgar "KUYA EGAY" San Luis tuloy-tuloy lang po ang ating tapat at buong pusong paghahatid ng serbisyo para sa ikakaunlad ng ating bayan.
Ingat po kayo lagi at God bless po!
Bayan Natin, Sama-samang Unahin,
Santa Cruz, Kaya Natin!
26/11/2024
Nobyembre 22, 2024
MASAYANG ARAW BAYAN NG SANTA CRUZ!
Sa ilang linggo pong pagantala ng ating "ESL Healthy Kabisera Medical Mission" na dulot po ng mga nagdaang bagyo muli po nating sinimulan ang pagiikot sa bawat barangay upang tayo po ay makapagbigay at hatid ng libreng serbisyo sa ating mamamayan. Nahatidan po natin ng libreng serbisyo ang mga taga Brgy. Santo Angel Norte na ginanap po sa Pasahol Compund.
Sa pangunguna padin po ng ating butihing Mayor Edgar "KUYA EGAY" San Luis na patuloy po sa pagsuporta sa ating magagandang programa, makakaasa po kayo na bawat mamamayan sa ating bayan ay mahahatidan ng libreng konsultasyon at libreng gamot para sa mga pasyente na may dalang reseta. Pasasalamat na rin po kay Dr. Eriel O. Javier na siyang namumuno ng MHO-ESL Medical Team.
Bayan Natin, Sama-samang Unahin
Santa Cruz, Kaya Natin!
09/10/2024
Octubre 8, 2024
MASAYANG ARAW BAYAN NG SANTA CRUZ!
Mapagpalang araw po sa ating lahat, matagumpay po nating ginanap ang "ESL Healthy Kabisera Medical Mission" para po sa mga taga Brgy. Calios. Kung saan tayo po ay nagbahagi ng mga libreng gamot at libreng konsultasyon katuwang po ang MHO-ESL Medical Team.
Patuloy lang po natin suportahan ang mga magagandang programa na hatid sa atin ng ating butihing Mayor Edgar "KUYA EGAY" San Luis sa pangunguna po ni Dr. Eriel Javier. Patuloy lang po ang aming pagbibigay ng libreng serbisyo para sa ating mga kababayan. Kita-kits po tayo sa inyong mga Barangay Ingat po tayo at God Bless!
Bayan Natin, Sama-samang Unahin
Santa Cruz, Kaya Natin!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Brgy. Poblacion III
Santa Cruz
4009