Go Marinduque
27/09/2025
600M BUDGET INSERTION NI SEN. FRANCIS ESCUDERO, NILINAW NG DPWH – HINDI ITO GHOST PROJECT
Kumalat ang balita sa buong Marinduque matapos isiwalat ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na may inilaan umanong ₱600 milyon si Senator Francis “Chiz” Escudero para sa isang proyekto sa Boac na agad umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga Netizens.
Pero paglilinaw ni OIC Regional Director Editha Babaran, mali ang akala ng marami—hindi flood control ang proyekto kundi rockfall netting sa Bantay/Hinapulan area para protektahan ang mga residente at motorista mula sa posibleng landslide.
Dagdag pa niya, bagama’t nabid na noong Pebrero 2025, wala pang inilalabas na pondo. Kaya raw hindi dapat tawaging ghost project. “Nagiging ghost project lang ang isang proyekto kapag nailabas na ang budget pero walang nangyaring konstruksyon. Eh dito, wala pa ngang pondo!” diin ni Babaran.
Kinuwestyon din ng ilan kung bakit hindi ito dumaan kina Mayor, Congressman, Governor, o kahit sa DPWH District Engineer. Sagot ng opisyal: direkta itong proyekto ni Sen. Escudero sa ilalim ng DPWH Regional Office bilang implementing agency.
Sa ngayon, nananawagan ang DPWH sa publiko: kalma lang muna, hintayin ang opisyal na pondo bago magbitaw ng akusasyon.
Hinikayat din ni RD Babaran ang Mariduqueño na bukas ang opisina ng DPWH sa kanilang mga katanungan tungkol sa proyektong ito.
22/09/2025
STA. CRUZ, LGU, IIMBESTIGAHAN ANG ILLEGAL NA PAGGAMIT NG LOGO SA RALLY SA LUNETA
Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang Pamahalaang Bayan ng Sta. Cruz kaugnay ng paggamit ng kanilang opisyal na logo sa isang rally na ginanap sa Luneta kamakailan.
Ikinagulat ng ilang konsehal nang kumalat sa social media ang larawan ni Christopher R. De Los Santos na may hawak na rally poster laban sa ilang nakaraang administrasyon sa Marinduque, kung saan malinaw na nakalagay ang logo ng bayan ng Sta. Cruz.
Ayon sa mga opisyal, walang anumang pahintulot si Delos Santos na gamitin ang logo ng munisipyo o ng bayan para sa personal o pampulitikang adbokasiya. Mas lalong ikinagalit ng mga konsehal ang pagdawit umano ni Delos Santos sa ilang kasalukuyang public servant ng Sta. Cruz sa kanyang mga paninira at vlog.
Dahil dito, iniimbestigahan na ang insidente at nakatakdang ipatawag si Delos Santos upang magpaliwanag. Bukod pa rito, pinag-aaralan din ng Sangguniang Bayan ang posibilidad na ideklarang Persona Non Grata si Delos Santos.
Ayon sa ilang konsehal, tila wala na sa matinong pag-iisip si Delos Santos at puro ingay lamang umano ang ginagawa nito. “Matagal na siyang hindi umuuwi sa Marinduque, wala siyang alam sa tunay na kalagayan ng lalawigan. Halata tuloy na ginagamit at binabayaran siya ng mga nasa Kapitolyo ngayon,” dagdag pa nila.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Barangay Banahaw
Santa Cruz
4902