STA ANA PYAP Federation

STA ANA PYAP Federation

Share

09/04/2026

Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, ating binibigyang-pugay ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga bayani. Ipinapaalala nito ang tapang at pagmamahal nila sa bayan sa gitna ng matinding pagsubok. Ang araw na ito ay sumisimbolo ng pagkakaisa, lakas ng loob, at walang hanggang pag-asa ng mga Pilipino. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa na ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban. Sa simpleng paraan, maipapakita natin ang ating paggalang sa pamamagitan ng pagiging makabayan at responsable sa ating kapwa at bansa.

Photos from Mayor Dinan Labung's post 07/04/2026

PARA KARENG PIMPEÑO | Buong kababaang-loob pong personal na lumapit si Mayor Dinan Labung kay Regional Director Venus F. Rebuldela ng Department of Social Welfare and Development Region III upang makipag-ugnayan para sa agarang ayuda para sa ating mga tricycle drivers kaugnay ng State of National Energy Emergency.
Kasama rin po sa nasabing pagbisita sina Municipal Social Welfare and Development Officer Rose Marie Medina Villeza at Marybeth Mateo-Ortiz, Executive Assistant to the Mayor, bilang bahagi ng mas maayos at pinalakas na koordinasyon ng lokal na pamahalaan at ng DSWD. Layunin po nito na madagdagan pa ang bilang ng mga tricycle drivers na makakasama at mabibigyan ng ayuda.
Sa pulong, tinalakay din ang iba’t ibang programang maaaring mapakinabangan ng ating mga kababayan. Taos-puso rin pong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Sta. Ana sa patuloy na suporta ng DSWD sa ating mga programa at inisyatiba para sa kapakanan ng bawat Pimpeño.
Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

Photos from STA ANA PYAP Federation's post 27/03/2026

Special thanks to Ms. Pryzbyl Maliwat, LYDO Officer, for this munting regalo. Your thoughtfulness is truly appreciated by everyone in the organization.

We would also like to extend our heartfelt gratitude to Mrs. Rose Marie Villeza, MSWDO Officer, and our Youth Focal Person, Sir Roman Pangilinan, for their unwavering support, guidance, and dedication to empowering the youth. Your continuous encouragement inspires us to become more active, responsible, and committed in serving our community.

Maraming salamat po for always being there to guide and support the PYAP family. 💙

20/03/2026

Be part of PYAP—kabataan para sa pagbabago at serbisyo sa komunidad! 💙

Kung ikaw ay 15–30 taong gulang, residente ng Sta. Ana, at may pusong handang tumulong, sumali na sa Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) Sta. Ana Chapter. Sama-sama nating paunlarin ang ating komunidad sa pamamagitan ng bolunterismo, pagkakaisa, at malasakit.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay PYAP President Mr. Jofer Montoya o sa inyong Barangay PYAP President. Maaari rin kayong mag-message sa Sta. Ana PYAP Federation page.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Santa Ana?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Santa Ana
2022