DepEd Tayo - Lydia D. Villangca Trade School
07/06/2026
🙋♀️🙋🙋♂️ Hands up kung hindi mo pa alam ang section mo! O baka naman alam mo na ang section mo pero lost pa rin kung saan ang classroom mo? 😵💫📚
No worries, Lydians! We got you! 💜✨
Para smooth, exciting, at hassle-free ang pagbabalik-eskwela, narito ang Official LDVTS School Map🗺️🏫. Gamitin ito bilang guide para mabilis mong mahanap ang iyong classroom at makapunta sa tamang room nang walang ligaw moments! 😎👌
🚫 Walang classroom hunting stress!
🚫 Walang takbuhang naghahanap ng room!
✅ More confidence!
✅ More excitement!
✅ More unforgettable first-day memories!
Kaya i-save na ang map, i-share sa friends, at ihanda ang sarili para sa isang panibagong school year na puno ng learning, fun, at success! 🎉📖🌟
Find Your Way, Own Your Day, Shine the Lydian Way! 💜💯
See you around, Lydians! 🏫✨💜
✍🏼 Caption By: Marc Philip Etac | SSLG Grade 10 Representative
🖼️ Pubmat By: James Paul Sabanal | SSLG Vice President
03/06/2026
𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 | 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗔𝗡 📋✍️
Ngayong araw, nagsagawa ng monitoring visit sa Lydia D. Villangca Trade School si Dr. Jay-Arr Sangoyo, EPS in English ng Schools Division Office of Bulacan, upang makita ang kalagayan ng paaralan at ang mga paghahandang isinasagawa para sa nalalapit na pagbubukas ng School Year 2026–2027.
Sa kanyang pagbisita, nakita niya na halos lahat ng kinakailangang paghahanda ay naisakatuparan na at ang mga natitirang gawain ay patuloy na inaayos upang masig**o ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Ang mga positibong resulta ng Brigada Eskwela 2026 ay naging posible sa mahusay na pamumuno ni Ma'am Elenita S.D. Requejo, School Principal II, katuwang si Sir Carl Angello Dela Cruz, School Brigada Eskwela Coordinator. Kasama rin sa tagumpay na ito ang walang sawang suporta at pakikiisa ng ating mga Head Teachers, Teachers, Staff, Students, Parents, Volunteers, at iba pang stakeholders ng paaralan.
Patunay ang monitoring na ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa, bayanihan, at malasakit ng bawat isa, mas lalo nating naihahanda ang ating paaralan para sa isang ligtas, maayos, at matagumpay na pagbubukas ng klase.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na naglalaan ng kanilang oras, lakas, at suporta para sa ikatatagumpay ng Brigada Eskwela 2026 at ng School Year 2026–2027.
01/06/2026
𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 📚
Sa pangunguna ng aming butihing School Principal II, Ma’am Elenita S. D. Requejo, ang Lydia D. Villangca Trade School ay buong pusong nakikiisa sa pagsasagawa ng Oplan Balik Eskwela 2026 bilang paghahanda sa panibagong taon ng pagkatuto.
Layunin ng programang ito na matiyak ang maayos, ligtas, at mas masayang pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa paaralan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, at iba pang katuwang ng paaralan.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa upang makapagbigay ng isang kaaya-aya at handang kapaligiran para sa bawat mag-aaral ng Lydia D. Villangca Trade School.
Muli, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at maging bahagi ng Oplan Balik Eskwela 2026. Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa isang matagumpay at makabuluhang taong panuruan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Ulingao
San Rafael
3008
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |