CFGHS Supreme Secondary Learner Government

CFGHS Supreme Secondary Learner Government

Share

Photos from CFGHS Supreme Secondary Learner Government's post 17/05/2026

Ang bawat piyesa na bumubuo sa bagong yugto ng liderato.

Sa pagbubukas ng panibagong Taong Panuruan 2026–2027, ating tuklasin ang kuwento at kahulugan sa likod ng bagong sagisag ng CFGHS Supreme Secondary Learner Government 2026–2027.

Isang simbolo ng lideratong nagmumula sa katagang: estudyante ang una, estudyante ang kasama.

Isinasalamin nito ang lakas at pagkakaisa ng bawat kabataan kung saan sama-samang patutungo sa tugatog ng pamumuno.

Taglay ang sagisag ng tanglaw, kamao, sinag ng araw, at apat na bituin—mga simbolong sumasalamin sa malasakit at tibay ng layunin. Pinagbubuklod ng pag-asa, pananampalataya, pagmamahal sa bayan, at integridad na tunay na maaasahan; isang lideratong walang iniiwan, sama-samang kikilos, at sabay-sabay na lilipad tungo sa kinabukasang may direksyon at aksyon.

Nananatiling matatag ang CFGHS bilang tahanan ng mga pangarap at adhikaing humuhubog sa bawat Carlosian. Sa pagdiriwang ng ika-58 taon, binubuksan nito ang panibagong yugto ng pagkakaisa, pagkilos, at mas makabuluhang paglilingkod.

Halina’t sama-sama nating ukitin ang kasaysayan ng lideratong may puso, tinig, at aksyon—isang samahang magsisilbing tanglaw, pag-asa, at gabay ng bawat isa.

Mula sa pangarap, tungo sa aksyon. Kaya't sumama na sa paglipad patungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng mga Carlosian!

_______

Sa pangangahulugan ni: Erha Joyce S. G*tchalian | SSLG Vice President

Sa disenyo ni: Jezreel G. Gumabon | SSLG

Sa kapsyon ni: Hannah Ruth G. De Joya | SSLG G12 Chairwoman

Photos from CFGHS Supreme Secondary Learner Government's post 14/05/2026

JUAN CARLOSIAN: Service for ONE, Service for All 🎒

Kumusta, Carlosians?

Sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027, ating buhayin ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at sama-samang paglilingkod.

Sa bagong yugto ng pagkatuto tayo ay maging daan ng pag-asa at kabutihan sa ating kapwa Carlosians.

Kasabay nito, ating inilulunsad ang proyektong “Juan Carlosian: Service for One, Service for All” isang Donation Drive na naglalayong magbahagi ng tulong at suporta sa mga kapwa Carlosians.

Kung mayroong mga gamit na maari pang mapakinabangan, malugod naming tinatanggap ang inyong mga donasyon tulad ng:

✏️ Mga bagong kagamitan o luma na nasa maayos na kondisyon
Ex. Notebook, Papel, Lapis at Ballpen
👕 Mga unipormeng maaari pang magamit (JHS and SHS)
• Iba pang pangangailangang makatutulong sa pag-aaral

Walang maliit na handog kung ito ay nagmumula sa pusong handang maglingkod.

Ang mga donation box ay makikita sa FRONT GATE NG CFGHS simula Mayo 18, 2026.

Bilang katuwang sa pagtataguyod ng makamasang liderato, bukas ang CFGHS-SSLG sa mga partnerships at collaborations para sa sama-samang pamumunong may direksyon at aksyon gayundin sa mas malawak pa na paglilingkod. 🤝

Para sa mga katanungan o karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa Official FB page ng CFGHS-SSLG at sa mga opisyales na sina:

Jezreel G. Gumabon - President
Erha Joyce S. G*tchalian - Vice President
Daniella Mariz D. De Guia - Secretary
Joseph Reign S. Bartolome - Treasurer
________

Sa kapsyon ni: Laurence Mitz Reyes | SSLG G9 Representative

Sa disenyo nina: Erha Joyce S. G*tchalian | SSLG Vice President at Jezreel G. Gumabon | SSLG President

11/05/2026

ANG PAGSIBOL NG BUKANG-LIWAYWAY

Kasabay ng pagbukang-liwayway sa silangan ay ang pag-usbong ng isang panibagong yugto. Muli nating pagtitibayin ang ating pangako sa tunay, tapat at totoong serbisyo.

Matapos ang isang paglalakbay sa himpapawid ay simula na ng bagong yugto ng liderato.

Carlosians, handa na ba kayong saksihan ang pag-ukit ng ating kasaysayan sa ilalim ng bagong sagisag ng ating pagkakaisa?

ABANGAN!

Want your organization to be the top-listed Government Service in San Rafael?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


San Rafael